^

PSN Showbiz

Kaya mga kasama sa show, gulat na gulat Billy kung anu-anong sinasabi kay Coleen noon, ngayon kumpirmadong GF na , Matapos mag-walk out sa interview Xian Lim hi

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Scene : Hinintay nina Anne Curtis, Kobe Paras, Rico Blanco, Billy Crawford at Jasmin Curtis Smith ang pagdating ni Justin Bieber sa isang five star hotel noong Martes para sa kanilang photo op.

Seen : Ang Cinebro ang producer ng Saka Saka, ang official entry sa New Wave Full Feature Film category ng 2013 Metro  Manila Film Festival. Sister company ng Star Cinema ang Cinebro at ang Saka Saka  ang unang movie project ng bagong tatag na film outfit. Mga action film ang gagawin ng Cinebro.

Scene : Inilihim muna nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa mga kasamahan nila sa It’s Showtime ang kanilang relasyon.

Nabigla ang mga co-host ni Billy sa pakikipagrelasyon nito kay Coleen dahil hindi positive ang mga opinyon niya noon tungkol sa dalaga.

Seen : Nakalusot ang ABS-CBN sa TV5 dahil ang video ng mini-concert ni Justin Bieber na kuha mula sa cellphone camera ang ipinalabas nila sa kanilang mga news program. Ang TV5 ang media partner ng pagbisita ni Justin sa Tacloban City.

Seen : Viral na ang video ng meeting noon nina DILG Secretary Mar Roxas at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Spliced at edited ang video ang depensa ni Roxas na muling nakararanas ng bashing dahil sa kanyang sinabi na “You have to understand that you’re a Romualdez and the President is an Aquino.”

Scene: Galit na galit kay Xian Lim ang entertainment writer at dzMM broadcaster na si Jobert Sucaldito. Nagtaray ng “Ano ba namang tanong ‘yan” at nag-walk out si Xian sa via Skype interview sa kanya ni Awhel Paz, ang radio co-host ni Jobert, sa Smart Araneta Coliseum noong Martes dahil hindi niya nagustuhan ang tanong ni Jobert na “Hindi ba kayo magkakasama ni Kim ngayong gabi?”

 Seen : Ang panig at deklarasyon ni Jobert Sucaldito ng giyera laban kay Xian Lim:

“Short of saying kung meron ba silang duet or a number together. He asked kung ano raw ulit ang tanong ko and Papa Ahwel echoed my question - “Hindi raw ba kayo magsasama ni Kim tonight?” And this hambog na male starlet na ito ay biglang nagtaray ng “ano ba namang tanong iyan” sabay tanggal ng earphone niya and walked away.
“I felt slighted - nainsulto akong bigla sa tinuran ng malamyang aktor-aktoran na ito. Yes, I admit - nagalit talaga ako and I won’t let this just pass by nang ganoon-ganoon na lang. I said on air that I will definitely give him a piece of my mind. The nerve of this trying hard male chauvinist na ito na mang-insulto ng isang taong wala namang sinabi o ginawang masama sa kanya.

“I don’t think Papa Ahwel and me deserve this - kung gusto niya ng gaguhan, call kami. Kung gusto niya ng suntukan, call din ako. Matalo man ako ayos lang dahil BAKLA ako pero pag natalo ko siya, lalabas na mas BAKLA siya.”

 

vuukle comment

ANG CINEBRO

ANNE CURTIS

AWHEL PAZ

BILLY CRAWFORD

JOBERT SUCALDITO

JUSTIN BIEBER

PAPA AHWEL

SAKA SAKA

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with