^

PSN Showbiz

Georgina nanghingi ng bahay sa mga kliyente

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang dami palang endorsements ni Georgina Wilson and, as of the latest count, may 20 endorsements na ang dalaga at sila ang kanyang nilapitan para makapagpatayo ng Georgetown Village sa Bulacan sa tulong ng Gawad Kalinga.

Hiningian ni Georgina ng tig-iisang bahay ang kanyang clients na very willing na magbigay at ’yung iba ay two houses pa ang ibibigay kaya maa-achieve ang Georgetown Village na dream ni Georgina.

Sunshine parang kumakain ng atay ng tao

Natawa kami nang marinig ang comment ng isang reporter tungkol kay Sunshine Cruz. Para raw aswang ang aktres at kumakain ng atay ng tao dahil hindi tumatanda. Nakita ng reporter ang picture ni Sunshine sa first endorsement nito noong teenager ito sa picture ng Ever Bilena at wala siyang ipinagbago.

Lalong walang ipinagbago ang katawan ni Sunshine at parang wala pang tatlong anak dahil hindi man lang tumaba. Ang ka­­tu­wiran nito, kailangan niyang alagaan ang sarili para tuluy-tuloy ang trabaho  para sa mga anak at sa planong pagbili ng bahay nilang mag-iina.

Bagay nga kay Sunshine na maging endorser ng Ever Bilena na “Forever Beautiful Lady” pala ang ibig sabihin. Sa presscon/launching nga nito, mukha siyang debutante sa suot na white dress.

Elmo nagka-amnesia sa holding hands nila ni Lauren sa Bali

First time naming makausap ng seryoso si Elmo Magalona at nangyari ito sa interview sa kanila ni Janine Gutierrez para sa remake ng Villa Quintana na magsisimula ang airing sa Nov. 4.

Sabi ni Elmo, noong wala siyang show ay saka niya na-realize na gusto niyang umarte at nilinaw nito ang isyung nire-reject niya ang offer na shows sa kanya ng GMA 7 gaya ng Sunday All Stars, Pyra, Ang Babaeng Apoy, Dormitoryo, at Kahit Nasaan Ka Man.

Nag-iba raw ang format ng Sunday All Stars. Hindi siya comfortable at ayaw niyang gawin ng half-baked. Nag-audition siya sa Kahit Nasaan Ka Man pero si Kristoffer Martin ang napiling leading man ni Julie Anne San Jose. Wala itong comment sa Pyra at Dormitoryo.

Four months lang namang walang show si Elmo. Wala siyang kita pero walang regrets dahil nakapag-focus sa culinary arts studies niya sa College of St. Benilde. Plano nitong magtayo ng restaurant.

Naguluhan lang kami sa sagot ni Elmo sa tanong kung ibig sabihin buwag na ang love team nila ni Julie Anne dahil sa iba na sila ipinapareha? Sabi nito, it’s for them to develop more at hindi na comfortable kung masyado silang masanay na magkasama. “I feel I’m gonna learn a lot from Janine,” dagdag ni Elmo.

Cute ang reaction ni Elmo sa isyung kasama siya ni Lauren Young sa Bali, Indonesia during the Miss World Beauty pageant at kasama rin nila ang ina ni­yang si Pia Magalona. Nakunan sila ni Lauren ng picture na magka-holding hands pero hindi niya maalala kung holding hands nga sila.

Kylie malapit nang lumipad

Nag-storycon na ang Adarna, ang primetime soap na pagbibidahan ni Kylie Padilla at papalit sa Kahit Nasaan Ka Man. Sa direction ni Ricky Davao, kasama sa cast sina Chynna Ortaleza, Michelle Madrigal, Ryza Cenon, Saab Magalona, Arkin Ma­galona, at Jean Garcia.

Sina Mikael Daez at Benjamin Alves ang dalawa sa tatlong leading men ni Kylie, wala sa storycon ang third leading men. Ibig sabihin kaya hindi pa napipili? Sabi ni Rafa Siguion-Reyna ay nag-audition siya pero wala pang balita if he’s in or not.

May mga pahaging si Kylie sa Twitter na malapit na siyang lumipad, ang da­ting nito sa mga nakakabasa ay babaeng ibon ang role niya sa Adarna.

 

vuukle comment

ADARNA

ANG BABAENG APOY

ARKIN MA

ELMO

EVER BILENA

GEORGETOWN VILLAGE

KAHIT NASAAN KA MAN

SABI

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with