^

PSN Showbiz

Derek umamin na sa matagal na relasyon kay Ynna

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman itinatanggi ni Derek Ramsay na lumalabas na siyang may kasamang ibang babae, this time ang bagong Kapa­milya na si Ynna Asistio na katulad niya ay kabi-break lamang sa boyfriend na si Mark Herras. Pero ’di tulad ni Derek na hindi nakaisang buwan sa relasyon nito kay Cristine Reyes, limang taong naging mag-on ang anak ni Nadia Montenegro at ang Kapuso actor. At kung si Ynna ay pinagbibintangang dahilan ng paghihiwalay nina Derek at Cristine, wala namang ganitong akusasyon sa aktor sa nakapanghihinayang na paghihiwalay nina Mark at Ynna.

Hindi naman as if nanonood sila ng sine o kumakain sa labas nang makita sa Robinsons Magnolia sina Derek at Ynna. Nasa isang supermarket sila at namimili. Si Derek, pagkain para sa kanyang aso. Nagkataon lang na nakasama siya sa pamimili ni Ynna na hindi naman nag-iisa, may kasama itong isa pang kapatid.

Hindi na bago kay Derek ang makasama si Ynna o ang pamilya nito sa labas, “I’ve been friends with the family, including the mom, Nadia Montenegro, for years now. It was not a date. Nakakahiya nga kay Ynna na napapagbinta­ngan ng hindi totoo,” pagtatanggol ng actor sa sinasabing kaibigan lamang. 

Geneva nabuntis pa kahit tatlong beses nakunan

Masuwerte pa rin si Geneva Cruz dahil at age 38 ay nagbuntis pa ito courtesy of her Australian boyfriend na may dugong Pinoy din. Kay KC Montero ay hindi si­nu­werteng magbuntis ang singer at sa halip ay tatlong ulit siyang nakunan kaya todo ingat siya ngayon at kinakailangang magpa­hinga palagi to keep her baby safe.

Seventeen years old na ang panga­nay ni Geneva kay Paco Arespacochaga na si Heaven.

Sira ng Destiny cable mahirap i-report

Mula nang i-take over ng Sky Cable ang pamamahala ng Destiny Cable ay parang lagi ng sira at hirap ng mapanooran ito. Tuwing masisira naman ito ay napakahirap i-report dahil call center ang la­ging sumasagot, hindi mismo ang opisina ng Destiny. Kadalasan, inaabot ng mga tatlong araw bago gumanda ang reception nila.

Kung sa isang buwan ay dalawang ulit masira ang Destiny at magagawa lamang ito makaraan ang tatlong araw, kahit walang pumupunta ng bahay mo at gumagawa nito, anim na araw na ang lugi mo sa loob ng isang buwan. Hindi bale sa Sky Cable at may nakilala na akong isang ehekutibo na isang pakiusap mo lang ay pinadadalhan ka agad ng tao pero paano ang Destiny na wala kang link kundi ang call center lang? Paraan ba ito ng Destiny para maipadama na kinakailangan na ng mga gumagamit ng serbisyo nila sa cable ng digibox na matagal ng gamit ng Sky?

Paulo suwerte kay Angel

Napakasuwerte naman ni Paulo Avelino dahil siya ang napili para makatambal ni Angel Locsin sa isang napaka-espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) bukas, Oktubre 12, sa ABS-CBN. Gaganap si Angel bilang si Mildred, ang pasyenteng may malalang kaso ng tuberculosis, samantalang bibigyang buhay naman ni Paulo ang nars na si  Stuart.

Tampok din sa MMK episode na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng sina  Mark Gil, Mads Nicolas, LJ Moreno, Kathleen Hermosa, Tanya Gomez, Johan Santos, Karen Dematera, Zeppi Borromeo, Mel Kemura, Maggie dela Riva, at Agatha Tapan.

vuukle comment

AGATHA TAPAN

ANGEL LOCSIN

CRISTINE REYES

DEREK

NADIA MONTENEGRO

SKY CABLE

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with