^

PSN Showbiz

Angeline walang pag-asa: ‘Mahal ko siya bilang kaibigan’ - Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Angeline Quinto na malaki ang paghanga niya kay Coco Martin. Nagtambal sa pelikula ang dalawa noong 2012 kaya naging malapit na magkaibigan. Matatandaang binigyan din ng aktor ang singer ng isang kwintas kaya marami ang naghinalang niligawan ni Coco ang singer.

Ayon naman sa aktor, hindi niya niligawan ang singer. Hindi rin totoo na pinaasa lamang niya si Angeline katulad ng mga napabalita kamakailan.

“Wala naman akong pinaasa kasi alam ko nagtulungan kami sa trabaho, para sa acting na rin niya, tinutulungan ko siya. Magkaibigan kami. Walang gano’n. Actually, first taping niya sa Kahit Konting Pagtingin dinalaw ko pa siya sa set eh. Mabait siya. Hindi mahirap na mahulog din ‘yung loob mo sa kanya pero ’yung paasa wala namang gano’n,” paglilinaw ni Coco.

Kahit may kanya-kanya ng mga ginagawang proyekto ang singer at ang aktor ay magkaibigan pa rin sila kahit hindi na masyadong nakapag-uusap.

“Basta alam ko magkaibigan kami at nagkatrabaho kami at mabuti siyang tao. Wala akong masasabi sa kanya. Basta natatandaan ko lang experience ko sa kanya bilang katrabaho at mahal ko siya bilang kaibigan,” giit ng aktor.

Karla tiwala sa pagiging konserbatibo ni Daniel

Iginiit ni Karla Estrada na hindi siya stage mother sa panganay niyang anak na si Daniel Padilla. Marami ang naglalabasan tungkol sa diumano’y paghihigpit ni Karla kay Daniel kaya lagi itong nakabantay.

“Hindi naman. Sana nga kaso ayaw naman niya akong isama eh,” natatawang bungad ni Karla.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ni Daniel ay walang problema ang aktres lalo pa’t hindi naman ito mahilig makipag-date. Ang ka-M.U. (mutual understanding) na si Kathryn Bernardo lamang ang madalas na kasama ng kanyang anak.

“Wala naman siyang gano’n. So, ang labas-labas niya, si Kathryn lang naman ang babae nga­yon sa buhay niyang nakakasama niya in terms of trabaho. ’Tapos kung meron silang konting time, magkasama lagi. Heto kasing relasyon na ito huwag nating tawaging relasyon. Unang-una mga bata pa ito. Ang importante na lang sa akin dito is they complement each other. Ibig sabihin, hindi naghihilahan pababa. So, maging masaya ako para sa gano’n. Huwag kayong mag-alala nandiyan na ang mommy ni Kathryn twenty four hours. Hindi katulad ko,” pahayag ni Karla.

Tanggap na tanggap ng aktres si Kathryn para sa anak.

“Oo naman. Walang problema. Very transpa­rent ’yung bata, mabait, pareho sila. Tita Karla ang tawag niya sa akin,” pagtatapat ni Karla.

Ayon pa sa aktres ay conservative type si Daniel kaya tiwala siya rito.

“Conservative at mahiyain ’yan. Kahit sa akin ayaw niyang gano’n. Ayaw niya ng mas­yadong maiksi. Sa mga sister niya, bawal ’yung mga ’yun mag-shorts at nakabukaka. Conservative siya,” pagtatapos ni Karla. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                           

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

AYON

KARLA

KATHRYN

NAMAN

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with