^

PSN Showbiz

Serye ni Juday masalimuot ang mga nangyayari

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pala tsika ‘yung sinasabing pagpayag ni Amalia Fuentes na lumabas sa serye ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala. Napanood na siya sa trailer ng matagumpay na teleserye ng ABS-CBN.

Isa pang pinaka-aabangan sa Huwag Ka Lang Mawawala ay ang paglabas din ni Gretchen Barretto na winiwish ng viewers ng serye ay makakatulong naman para mapagaan ang buhay ng walang kalaban-labang si Anessa (Judy Ann Santos).

Masalimuot ang istorya ng HKLM na hindi mahulaan ng manonood kung ano ang mangyayari.

Max Collins hindi binibigyan ng trabaho

Bagaman at marami ang nagsasabi na dapat ay nagtatampo si Max Collins sa kanyang network dahil hanggang ngayon ay wala pang follow-up ang napakaganda niyang pagganap sa Pahiram ng Sandali na kung saan ay nakipagsabayan siya ng akting kina Lorna Tolentino at Dingdong Dantes, wala sa puso ni Max ang pagtatampo. Napapanood naman siya ng regular sa Sunday All Stars at nabuhos ang panahon niya sa paggawa ng kanyang first film, ang Bamboo Flowers ni Maryo J. delos Reyes na kinunan sa  Bohol. May isang linggo din tumigil dun ang mga gumagawa ng pelikula kasama na si Max kung kaya walang pagkakataon na makaramdam siya ng tampo o anunang feelings sa kawalan niya ng soap.

Nagsimula sa ABS-CBN si  Max sa pangalang Isabel Abiera.  

Angelika hindi nawawala ang interes sa pulitika

Hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ni Angelika dela Cruz  sa pulitika pero wala siyang pagkakataon na harapin ito ngayon dahil marami siyang projects sa GMA. Kumukuha rin ng panahon niya ang triathlon na kung saan ay kasama niya ang kanyang asawa. Nakipag-compete sila professionally at ang ilang panalo ay mas nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para ito ipagpatuloy. It also keeps her in shape. Kapag lumuwag ang schedule niya ay gusto niyang magka-baby muli. Pero gustuhin man niya, talagang wala pang puwang ang pagpasok niya ng pulitika. Idagdag mo pa ang pangyayaring hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang kaso ng kanyang namatay na kapatid na isang konsehal.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

ANGELIKA

BAMBOO FLOWERS

DINGDONG DANTES

GRETCHEN BARRETTO

HUWAG KA LANG MAWAWALA

ISABEL ABIERA

JUDY ANN SANTOS

LORNA TOLENTINO

MAX COLLINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with