^

PSN Showbiz

Matapos talikuran na walang paalam Kuya Germs pinatawad na si Shalala!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Muli pinatunayan ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na never siyang nagtanim ng galit sa kahit na sinong tao na nakagalit o nakatampuhan niya. Kapag nabibigyan ng pagkakataon ay siya mis­mo ang gumagawa ng dahilan para mawala ang gap sa pagitan nila nang nakakatampuhan niya.

Hindi kaila sa lahat ang pagtatampo nito sa isang inalagaan niya sa kanyang programang Walang Tu­lugan with Master Showman hanggang sa kanyang radio program sa DZBB na si Shalala. Malaki ang naging pagtatampo niya rito na wala itong kasabi-sabi na lumipat bigla sa TV5 at hindi lamang ang programa nila sa TV ang iniwan kundi maging ang programa nila sa radyo. Okay lang sa beteranong TV host kung nagpaalam lamang ito ng mahusay pero hindi, sa ibang tao pa niya nalaman ang pag-alis nito. Wala na ito nang mahimasmasan siya. Pero dahil hindi siya ang tipo na hahadlang sa tagumpay ng isang kaibigan, hindi na lamang siya nagsalita pero umaasam na kahit paano ay babalikan siya nang inalagaan para lamang makapagpaalam ng maayos.

All’s well that ends well sa dalawa. And to show na wala na siyang nararamdamang pagtatampo sa dating alaga, pumayag na mag-guest ni Kuya Germs sa launching movie ni Shalala na pinamagatang Echoserang Frog. Kinunan ang paglabas niya sa isang sementeryo sa Marikina ng maghahatinggabi at kahit sa ganung alanganing oras ay game na nagtrabaho si Kuya Germs.

“Kahit nagkaroon kami ng tampuhan before, hindi ko naman maaring palampasin ang isang pagkakataon na makatulong sa kanya. Masasayang ang maraming panahong pinagsamahan namin para siya maipakilala at mapasikat kung sa isang pururot na tampuhan lamang ay hahayaan kong mawala ‘yun. Maski naman magkahiwalay kami, I will never wish na masayang ‘yun. Kahit hindi na sa akin, dasal ko na huwag siyang magbago sa lahat ng tao na nakasabay niya sa kanyang pag-unlad,” paliwanag ng Master Showman.

AiAi at Kris, magtatapatan sa Pasko

Kapag nakasama si AiAi delas Alas sa filmfest entry ni Sen. Bong Revilla, Jr., makakaasang hindi lamang ang mga manonood ng festival ng isang masaya and, hopefully, friendly competition. Matatandaan na magkasama sina AiAi, Kris Aquino, at Vice Ganda laban sa tandem nina Bong, Vic Sotto, at Judy Ann Santos last year. Ngayon, magkakalaban-laban na sila with Bong and possibly AiAi going against the tandems of Vic and Kris and Vice Ganda and Maricel Soriano. Exciting, ’di ba?

Piolo hindi na nagpapakita kay Mark

Maganda ang role na ginagampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lo­ver. Walang aktor na tatanggi sa ganito kagandang role. Kasama na si Mark Bautista na gusto ring makilala sa larangan ng aktingan. Kaya nga lahat ng pagkakataon na mabigyan siya ng role tinatanggap niya. Nakalabas na siya sa pelikula, TV, at maging sa teatro. Pero ‘yung role ni Dennis o Tom ay nag-aalala siyang tanggapin kung magkakaroon ng tsansa dahil baka mas lalong gumrabe ‘yung isyu sa kanila ni Piolo Pascual na kahit matagal na niyang itinatanggi at pinabubulaanan ay parang hindi matanggap ng tao. Nag-aalala na tuloy siya na baka ‘yung hindi nila pagkikita ng matagal ng kanyang kaibigan ay pag-iwas sa panig ni Piolo para lang mamatay ang isyu.

“Unfair, na dahil lang sa maling pag-iisip ng marami ay may mga pagkakaibigan na masisira,” sabi ni Mark.

vuukle comment

BONG REVILLA

DENNIS TRILLO

ECHOSERANG FROG

JUDY ANN SANTOS

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with