^

PSN Showbiz

KC super project sa pagkokontrabida kay Judy Ann, mahihiya ang mga TH na bold star

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: May social media word war ang fans nina Kris Aquino at James Yap dahil inilagay sa Instagram ang litrato nila ng isang magandang babae.

Kuha sa Italy ang litrato ni James at ng unidentified woman na pinaghihinalaan na girlfriend niya.

SCENE: Naka-tag sa Instagram account ni Kris Aquino ang litrato ni James at ng babae. Ang sutil na fans ni James ang nag-tag ng litrato sa Instagram account ni Kris.

SEEN: Super project si KC Concepcion sa unang eksena niya sa episode ng Huwag Ka Lang Mawawala noong Miyerkules.

Mahihiya kay KC ang mga trying hard na bold star.

SCENE: Ngayong gabi ang Tambayan Hits concert nina Aiza Seguerra at Noel Cabangon sa Onstage Greenbelt sa Makati City na panonoorin ni Charice.

SEEN: Magbabalik ang Miss Saigon sa May 2014 at itatanghal ito sa Prince Edward Theater sa West End, London, England.

Marian ayaw pagbintangang ginagamit si Judy Ann

SCENE: Ang pagkabahala sa mukha ni Marian Rivera sa presscon kahapon ng My Lady Boss dahil nagsalita si Roselle Monteverde na tinanggihan niya ang Metro Manila Film Festival  project na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos dahil solo movie ang kanyang gusto. Ang representative ni Marian na si Rams David ang nagparating kay Roselle tungkol sa gusto ni Marian.

SEEN: Ang pakiusap ni Marian Rivera sa presscon ng My Lady Boss na huwag nang idamay si Judy Ann Santos sa isyu ng tampuhan nila ni Mother Lily Monteverde para hindi sila mapagbintangan na ginagamit si Judy Ann sa publicity ng pelikula nila ni Richard Gutierrez.
SCENE: Mapapanood si Amalia Fuentes sa teleserye ni Judy Ann Santos, ang Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN. Hindi natuloy ang paglabas ni Amalia sa Muling Buksan ang Puso na teleserye rin ng ABS-CBN.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AMALIA FUENTES

HUWAG KA LANG MAWAWALA

INSTAGRAM

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with