^

PSN Showbiz

Pauleen takot rumampa na naka-underwear, ayaw ni Bossing Vic

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Seksing-seksi si Pauleen Luna nang rumampa siya sa underwear fashion show ng Dickies­ noong Sabado sa SM Mall of Asia Atrium.
Siyempre inspired si Pauleen na magpaseksi dahil in love siya kay Bossing Vic Sotto pero hindi underwear ang inirampa niya sa fashion show ng Dickies­ or else mapapagalitan siya ng kanyang dyowa.
Matagal ko nang kilala ang mga big boss ng Dickies­ kaya pumayag ako na i-endorse ni Pauleen ang kanilang mga produkto. Madaling kausap, mababait, at very generous ang mga may-ari ng Dickies na matagal na sa market pero patuloy na namamayagpag dahil sa good karma!

Pakikipaghiwalay ni Mystica sa batang asawa hinihintay na rin

Magkasunod na nagpakasal sa kanilang mga boyfriend sina AiAi delas Alas at Mystica kaya wondering si Papa Joey de Leon kung magtatagal din ang relasyon ni Mystica sa asawa nito na sobrang bata sa kanya.

Bale ba, dating magkapit-bahay sina AiAi at Mystica sa North Susana Executive Village sa Quezon City kaya pinagkukumpara ang kanilang mga love life.

Hindi yata nabalitaan ni Papa Joey na lumipat na si Mystica at ang asawa nito sa probinsiya. Malaki ang tsansa na magtagal ang kanilang relasyon dahil malayo sila sa showbiz at intriga.

High-profile kasi ang relasyon nina AiAi at Jed Salang. Active rin sila sa social media kaya nalalaman ng buong mundo kapag nag-aaway sila na nauwi nga sa hiwalayan.

Sa phone-patch interview ng Startalk kay AiAi noong Sabado, sinabi niya na moving on na raw siya. Sumasailalim din siya sa therapy para mabawasan at mawala ang depression na kanyang pinagdaraanan.

‘Feel na feel ko ang pagmamahal ni Papa Miguel’

A million thanks kay Papa Miguel Belmonte dahil natanggap ko noong Miyerkules ang belated birthday gift niya sa akin.

In fairness sa PSN big boss, nakahabol si Papa Miguel sa deadline ko para sa mga birthday gift na tatanggapin ko kaya love na love ko siya. Lalo kong na-feel na part talaga ako ng PSN family.

Marunong si Papa Miguel na mag-alaga ng mga empleyado ng PSN. Naalaala ko tuloy ang tulang “Ako’y may alaga, asong mataba. Mahal niya ako, mahal ko rin siya kaya palagi ka­ming magkasama.” Ganyan din ang samahan namin ni Papa Miguel!

Lobo paborito ng mga celebrity

Nagpunta ako kahapon sa Lobo, Batangas dahil birthday ng ABS-CBN executive na si Linggit Tan. Gulat na gulat si Linggit nang dumating ako dahil hindi siya naniwala na tutuparin ko ang aking pangako.
Maganda ang beach house ni Linggit sa Lobo. Magkapitbahay sila ni Gabby Concepcion na may beach house rin na 200 steps ang hagdan papunta sa dagat.
Magandang-maganda ang beach house ni Linggit kaya may dahilan para mapadalas ang pagpunta niya sa Lobo. Very relaxing at calming ang dagat, pati na ang simoy ng hangin. Project ni Linggit ang Goin’ Bulilit at Be Careful with My Heart.
May beach house rin sa Lobo si Amy Austria at ang mag-asawang Sandy Andolong at Christopher de Leon. Siyempre, binisita ko rin ang mga bahay bakasyunan nila, kesehodang wala sila doon. Pinapasok naman ako ng kanilang mga caretaker.


 

vuukle comment

AKO

AMY AUSTRIA

BE CAREFUL

LINGGIT

MYSTICA

PAPA JOEY

PAPA MIGUEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with