PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Konti lang ang mababago Regine, Jaya, Janno, at Christian kasama sa papalit sa Party P

SEEN: Extended ng isang buwan ang Celebrity Bluff ng GMA 7. Hindi matutuloy ang last telecast ngayong gabi ng game show nina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Wally Bayola.

SCENE: Ang last taping day ng Indio noong Huwebes. Magwawakas sa May 31 ang primetime show ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA 7.

SEEN: Ang official announcement kahapon ng ABS-CBN na si Julia Barretto ang bida sa TV remake ng Cofradia.

Papasa na nanay ni Julia sa Cofradia ang kanyang Tita Claudine Barretto na matagal nang missing in action.

SCENE: Sa July 15 ang grand reveal ng YES Magazine ng kanilang Most Beautiful Stars list.

SEEN: Hinihintay ang magiging desisyon ni Mariel Rodriguez sa pagtatapos ng Wowowillie sa October dahil baka mahirapan siya na bumalik sa ABS-CBN. Naikot na ni Mariel ang major TV networks dahil nagsimula sa GMA 7 ang kanyang hosting career.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SCENE: Sa June 9 ang pilot telecast ng bagong Sunday noontime show ng GMA 7 na may working title na Sunday All Stars.

Kasama pa rin umano sa show sina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, at Christian Bautista.

SEEN: May pangako si Nora Aunor sa mga big boss ng TV5 na hindi na siya magiging pasaway.

SCENE: Bukas, 3:00 p.m., ang grand fans day ng cast ng Cassandra: Warrior Angel sa SM San Lazaro, Manila.

Si Eula Caballero ang lead star ng Cassandra: Warrior Angel sa TV5.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: