^

PSN Showbiz

Richard sa Regal natupad ang matagal nang gustong gawin, may tampo sa GMA Films

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bakit nakaramdam kami na tila may pagtatampo si Richard Gutierrez sa GMA Films sa paha­yag sa presscon ng Seduction na thankful siya na binigyan siya ng Regal Entertainment ng Seduction na matagal na niyang hinihingi at hinihintay.

Kundi kami nagkakamali, twice ‘yun nabanggit ni Richard sa Q&A ng presscon at alam nating may movie contract siya sa GMA Films.

Bawal namang magtanong ng intriga sa presscon, kaya walang nakapagtanong kung may tampo ba siya sa GMA Films.

Nauna rito, marami rin ang naintriga sa na-post ni Richard sa Instagram na happy siya na part siya ng GMA Network at happy na hindi siya part ng GMA Artist Center na may isyu sa GF niyang si Sarah Lahbati ngayon.

Samantala, umaasa si Richard na mapo-promote ng maayos ang Seduction kahit wala ang GF niyang si Sarah at si Solenn Heussaff ay sa January 18, presscon pa makakasama. Kaya sila ni Direk Peque Gallaga muna ang humarap sa press at sumagot sa tanong tungkol sa pelikula.

Sa Jan. 30, ang showing ng movie na kinu-consider ni Richard na pinaka-daring at pinaka-sexy at walang sinabi ang mga ginawa niya sa The Pro­mise.

“Mas happy ako sa performance ko rito, mas hinog na ako bilang artista. Mas alam ko na kung ano ang gusto kong gawin at gusto ko pang gumawa ng mga ganitong pelikula, hindi first and last ang Seduction,” sabi ni Richard.

Kim at Maja may away?!

Presscon kagabi ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN, sana may nakapagtanong kina Kim Chiu at Maja Salvador kung friends pa rin sila at kung totoong in-unfollow ni Kim si Maja sa Instagram?

Lumabas ang isyung un-followhan sa IG after lumabas ang pictures nina Maja at Gerald Anderson kuha sa Misibis Bay, kung saan, nagbakasyon ang dalawa kasama ang kanilang common friends. Kasunod nito ang report na may relasyon na ang dalawa at may mga iba pang sightings sa kanila.

Pero hindi ba matagal nang break sina Kim at Gerald at wala na silang pakialam sa affair ng bawat isa? Saka friends sina Kim at Maja at hindi naman siguro nila pag-aawayan si Gerald, sakaling totoo mang sila na ni Maja.

Baron umiwas sa interview

Hindi na nagpa-interview si Baron Geisler after i-present sa press ang cast ng Kidlat, kung saan kasama siya at ginagampanan ang role ni Vincent Megaton Jr. Epic fail ang paghahanap ng press sa kanya dahil hindi na siya nakita.

Hindi tuloy nalaman kung ano ang sakit niya sa series, panoorin na lang daw, sabi ng taga-TV5. Ang nalaman namin mahal ‘yung wheelchair na ginagamit niya sa series, P180,000 kasama ang bayad sa design dahil ibang wheelchair ito.

Si Christopher de Leon ang gumaganap na ama nina Baron at Derek Ramsay, six days daw nag-taping si Boyet. So, sa first week lang siguro ang labas niya bilang si Vincent Megaton Sr.

Nabasa pala namin na the day after the presscon, nagkasakit si Derek, naospital ito dahil sa flu. Pero magaling na ang aktor at puwede na uling mag-taping.

vuukle comment

ARTIST CENTER

BARON GEISLER

DEREK RAMSAY

DIREK PEQUE GALLAGA

GERALD ANDERSON

INSTAGRAM

MAJA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with