^

PSN Showbiz

Mommy Divine ipinagtanggol ni Sarah, tampo kay Gerald malalim pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maraming salamat sa Geronimo family dahil ipinadala nila sa akin ang kanilang mga Christmas present kesehodang hindi ako nakasipot sa thanksgiving party nila noong Huwebes.

Wala pa ako sa mood na makipagsosyalan dahil nakagat nga ako ng aso noong New Year’s Eve. Inatake kasi ng stress ang isa sa mga pet dog ko dahil sa mga putukan na nangyayari sa paligid.

Nagpunta agad ako sa ospital para ipagamot ang kagat ng aso kaya nakapagkuwento ako sa inyo tungkol sa bagets na three years old pa lang pero inatake sa puso. Nakita ko kasi nang isugod siya sa emergency room ng FEU Hospital sa Fairview, Quezon City.

Anyway, maayos na ang pakiramdam ko at behaved na uli ang aking pet dog dahil wala nang mga nagpapaputok ng firecrackers.

Ang aso ko na bantay sa gate ng aming bahay ang nakakagat sa akin. Hindi ang 30-plus dogs ko na nasa loob ng bahay dahil sanay na sila sa tunog ng firecrackers.

Kapag sinabi ko na Geronimo family, sina Daddy Delfin, Mommy Divine, at Sarah ang tinutukoy ko.
Sosyal ang mag-anak dahil may sarili na silang restaurant sa Mindanao Avenue sa Quezon City, ang Imo’s Pancit Malabon at ito ang venue ng kanilang thanksgiving party.

Ang kuwento ng mga reporter na dumalo, masasarap na pagkain ang nilantakan nila na mismong si Mommy Divine ang naghanda at nagluto.
Sarap na sarap daw sila sa mga sariwang isda at alimango na inihain sa kanila. Ang tipo raw ng mga pagkain sa Imo’s Pancit Malabon ang babalik-balikan dahil napakasarap.

Magkatulong sa pag-aasikaso sa mga bisita sina Mommy Divine at Daddy Delfin. Ang ibig sabihin, walang katotohanan ang mga tsismis na kumalat noon na shaky ang kanilang relasyon.

Very much together at in love na in love sa isa’t isa ang mag-asawa. Hindi na sila dapat idinadamay sa intriga dahil si Sarah ang artista, hindi sila.

Inungkat ng mga reporter ang status ng friendship nina Sarah at Gerald Anderson. Na-feel ng mga reporter na malalim ang tampo ni Sarah kay Gerald pero, as usual, naging matipid siya sa pagsasalita.

Matutuwa si Mommy Divine kapag nalaman nito na ipinagtanggol siya ni Sarah. Si Mommy Divine kasi ang madalas na nasisisi kapag nauudlot ang love life ng kanyang anak na hindi pa nakakaranas na magkaroon ng boyfriend.

Yasmien magpapalit ng relihiyon para sa napangasawa

Hindi ako magugulat kung totohanin ni Yasmien Kurdi ang balak na magpalit ng relihiyon dahil hindi tanggap ng kanyang mother dear ang asawa niya.
May sariling desisyon si Yasmien na matagal nang member ng Iglesia ni Cristo at nagbabalak na maging member ng Roman Catholic dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang asawa. Matagal ko nang kilala si Yasmien, ginagawa niya ang lahat ng kanyang mga naiisip at sinasabi.

 

vuukle comment

DADDY DELFIN

DAHIL

GERALD ANDERSON

GERONIMO

MOMMY DIVINE

PANCIT MALABON

QUEZON CITY

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with