^

PSN Showbiz

Isa sa pinakamayaman sa Pilipinas haharap kay Mareng Winnie

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rebelde sa magulang. Hindi nagtapos sa pag-aaral. Labing-pitong taong gulang pa lang ay nagsimula nang magtrabaho sa negosyo ng pamilya.

Iyan si Enrique Razon, Jr., ang ikatlong pinakamayamang Pilipino sa ngayon ayon sa Forbes Magazine. 

Noong nakaraang taon, ang kanyang yaman ay nasa $1.6 billion. Nitong 2012, tinatayang nasa $3.6 billion na ito. Sa edad na 52, marami nang natutunan sa negosyo at sa buhay si Razon. Umaabot na rin sa halos 30 ang kanyang ports na naitatayo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa episode na ito ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, alamin ang mga prinsipyo at leksion na nasa likod ng paglago ng isa sa mga pinakamayamang Pilipino.  

Kung mayroon man daw silang nakagawian tuwing bagong taon, ito ay ang pagkain ng 12 piraso ng grapes. Pero sa buong taon, wala siyang ginagawa kundi ang maging seryoso sa trabaho at pagpapalago ng negosyo. “Work, work, and more work,” ang isa sa mga mantra ng negosyante.

Sa kabila nito, may mga pagkakataon din daw na nabigo siya sa ilang mga proyektong kanyang pinasok. Pero dapat daw harapin ang negosyo nang may lakas ng loob. ”Everything involves a risk. Hindi ka puwedeng sigurista,” ayon pa sa kanya.  

Gusto mo bang matuto ng mga leksiyon mula sa isang matagumpay na negosyante bago harapin ang 2013? Manood ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

Kris at Anne magsasalpukan dahil kay Robin

Sisiklab na ang pinakamatinding kompetisyon sa pagitan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ng Box-Office Queen na si Anne Curtis dahil sa pinakaaabangang teleserye ng ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw kapwa nila mamahalin ang iisang lalaki — ang Idolo ng Masa na si Robin Padilla. Sa ilalim ng direksiyon nina Malu Sevilla at Bb. Joyce Bernal, ang Kailangan Ko’y Ikaw ay iinog sa buhay ng tatlong taong nagmamahalan — ang matapang na pulis na si Bogs (Padilla), ang palabang ramp model na si Ruth (Anne), at ang masunuring anak at mapagbigay na kapatid na si Roxanne (Kris).

Sa sitwasyong iisa ang iniibig ng magkapatid, sino ang kailangang magparaya? Bukod kina Kris, Anne, at Robin, bahagi rin ng Kailangan Ko’y Ikaw sina Tirso Cruz III, Ian Veneracion, Smokey Manaloto, Emilio Garcia, Lito Pimentel, at Xyriel Manabat.

Bahagi rin ng serye ang teen sensation na si Daniel Padilla na gaganap bilang batang Robin. Abangan sa Enero 2013 ang engrandeng pagsisimula ng teleseryeng kailangang tutukan ng buong sambayanan, Kailangan Ko’y Ikaw, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

Seung Yoo, malalagay sa peligro ang buhay

Ngayong linggo sa The Princess’s Man, hindi pa matatapos ang pagpapahirap kay Seung Yoo samantalang patuloy pa rin ang planong pag-iisang dibdib nina Myeon at Se Ryung.

Habang nasa daan patungo sa isla kung saan ipapatapon sina Seung Yoo at iba pang mga bilanggo, bigla na lamang silang aatakihin ng mga tao ni Su Yang na naging dahilan upang lumubog ang kanilang sinasakyang bangka. Makaligtas kaya si Seung Yoo mula sa mga plano ni Su Yang?

Dahil patuloy pa rin si Prince Su Yang sa kanyang masasamang balak, naging dahilan ito upang magplano si Prince Geum Sun laban kay Su Yang. Magtagumpay kaya si Prince Geum Sun na mapigilan na ng tuluyan ang masasamang plano ni Prince Su Yang laban sa kaharian? 

Dahil sa labis na pagmamahal kay Seung Yoo, susubukan ni Se Ryung na mapigilan ang plano ng amang tapusin na ang buhay ni Seung Yoo. Sa paniniwalang tutuparin ng kanyang ama na si Prince Su Yang ang kanyang hiling, papayag na si Se Ryung na maikasal kay Myeon. 

Magbago pa kaya ang isip ni Se Ryung? Maging huli na kaya ang lahat para mapigilan ni Seung Yoo ang kasalan?

Matutunghayan ang lahat ng ‘yan ngayong linggo sa The Princess’s Man Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng Temptation of Wife sa GMA Tele­babad.

 

vuukle comment

IKAW

KAILANGAN KO

MARENG WINNIE

PRINCE GEUM SUN

PRINCE SU YANG

SE RYUNG

SEUNG YOO

SU YANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with