PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mas magaling daw sa kanya Piolo ipinagmamalaki ang talent ng anak

Nakatakdang pumunta si Piolo Pascual sa Amerika ngayong Pasko para makapag-celebrate kasama ang kanyang pamilya na doon na naninirahan. Excited na si Piolo na muling makasama ang anak na si Iñigo, na ayon sa aktor ay magaling na rin daw kumanta.

“He was supposed to sing with me. He was supposed to perform with me sa San Diego (California) show ko. ’Yung batang ’yon, napaka-talented, grabe. Soloist siya sa choir nila sa glee club nila and I think he’s an amazing kid. Mas confident sa akin ’yon at mas magaling sa akin ’yon,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Samantala, ngayon ay abala na ang aktor para sa pelikulang OTJ (On the Job) kung saan makakasama niya si Gerald Anderson. Kakaibang aksiyon daw ang tema ng nasabing proyekto ni Piolo at hindi ito drama katulad nang madalas niyang ginagawa.

“Bilang magalaw akong tao, mahilig akong mag-training. Mahilig akong kung anu-ano ang ginagawa. Drama is also draining. Para hindi naman puro iyak at mas maganda rin ’yung aksiyon. At least, habang nagti-taping, pinagpapawisan ka pa rin’ di ba?” paliwanag ng aktor.

Samantala, magbibida rin si Piolo sa teleseryeng Apoy sa Dagat na mapapanood na sa susunod na taon. Makakasama naman ng aktor sa nasa­bing serye sina Angelica Panganiban at Diether Ocampo.  

MATTEO MAS GUSTONG MAGTRABAHO KESA MAKIPAGBALIKAN KAY MAJA

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi man nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli ay maganda naman ang samahan ng dalawa nga­yon bilang magkaibigan.

“Maja and I are okay. We talk. We’re good friends. That’s it. Basta my concentration is Paraiso (teleserye ni Matteo) talaga and I don’t want to lose my focus. There’s no problem about being friends again. I’m happy we’re friends because I don’t like making enemies. I’m really proud and masaya talaga ako na magkaibigan kami talaga,” bungad ni Matteo.

Hindi pa raw handa ang binata na muling pumasok sa isang relasyon dahil sa kanyang mga proyekto at sa pagiging tri-athlete.

Malaking panahon kasi ang iginugugol ni Matteo sa kanyang mga ginagawa kaya hindi muna sumasagi sa kanyang isipan ang makipagrelasyon sa ngayon. Posible pa kaya na muling magkabalikan sina Maja at Matteo sa mga susunod na buwan?

“I guess different ang priorities namin ngayon. And I realized that I want to concentrate on my work first for now. I’m giving it all sa Paraiso. I’m not thinking of it right now eh. Iniisip ko talaga trabaho,” giit pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: