^

PSN Palaro

Titans durog sa Couriers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Ynares Sports Arena, Pasig City)

 1 p.m.  JRU vs Mila’s Lechon

3 p.m.  AMA Online vs   Zark’s Burger 

5 p.m.   Akari-Adamson vs  Marinerong Pilipino   

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Wangs Basketball-Letran ang  AMA Online Education, 93-75 kahapon para sa magandang simula sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup sa Pasig City Sports Center.

Sinimulan nina Bong Quinto at Bonbon Batiller ang arangkada ng Wangs sa ikalawang yugto at tulu­yan ng iniwan ang Titans tungo sa malaking panalo at makisosyo sa liderato kasama ang Marinerong Pilipino, Go for Gold at Che Lu Bar and Grill-San Sebastian sa parehong 1-0 win-loss kartada.

Umiskor si Quinto ng 19 puntos na may kasamang 10 rebounds at anim na assists habang si Batiller ay umani ng 15 puntos at 12 naman mula kay JP Calvo para biguin ang Titans sa una nilang pagtatagpo.

Matapos maiwanan sa unang yugto, 13-16 nag­paulan ng sunud-sunod na puntos sina Quinto, Batiller at Rey Publico upang i­angat ang  Couriers sa siyam na puntos na bentahe, 44-35 sa first half.

Mula rito hindi na pina­kawalan ng Wangs Couriers ang abante at lumobo pa sa 15 puntos, 67-52 sa pagtatapos ng  third quarter.

“Masaya s’yempre kaming lahat sa panalo. Maganda ang resulta. Pero marami pa ring kailangang gawin. First game pa lamang namin ito kasi,” sabi ni Wangs coach Jeff Napa.

Pinangunahan ni Michael Cañete ang AMA sa kanyang 20 puntos kabilang na ang 17 sa first half at mayroon pa siyang 11 rebounds. Si Kris Porter ay tumulong din ng 13 at 11 naman mula kay Carlo Escalambre habang si Andre Paras ay bigong maka-iskor  para sa Titans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with