^

PSN Palaro

Heat pinalamig ng Rockets

Pilipino Star Ngayon

HOUSTON — Dala­wang araw matapos talunin ang reigning league champion na Golden State Warriors, umiskor naman ang R­ockets ng 99-90 panalo laban sa Miami Heat sa duwelo ng dalawang first-place NBA teams sa harap ng 18,050 fans sa Toyota Center Arena.

Humataw si James Har­den ng team-high na 28 points habang nagtala si Chris Paul ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Houston.

Nagdagdag naman si Eric Gordon ng 16 points mula sa bench kasunod ang 14 markers ni Clint Capela para sa Rockets.

Pinangunahan ni center Hassan Whiteside ang Southeast Division-leading na Heat mula sa kanyang 22 points at 13 rebounds.

Ang huling tatlong pa­nalo ng Houston ay kontra sa mga first-place teams na Golden State, Minnesota at Miami.

Nagbalik sa line-up ng Rockets sina Trevor Ariza at Gerald Green, napatawan ng two-game suspension dahil sa pagsugod sa locker room ng Los Angeles Clippers matapos ang kanilang laro sa Staples Center arena.

Halatang napagod ang Miami matapos ang kanilang naunang 106-105 pagtakas kontra sa Charlotte Hornets.

Sa iba pang laro, tinalo ng Charlotte Hornets ang Sacramento Kings, 112-107; binigo ng Atlanta Hawks  ang Utah Jazz, 104-90; tinakasan ng Memphis Grizzlies ang Philadelphia 76ers, 105-101 at iginupo ng Milwaukee Bucks ang Phoenix Suns, 109-105.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with