PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Irving, Horford itinakas ang Celtics sa panalo vs Nets

Iniskrinan ni Jerryd Baynes ang kakamping si Kyrie Irving ng Celtics laban kay Spencer Dinwiddie ng Nets sa aksyong ito sa NBA.

BOSTON — Humataw si guard Kyrie Irving ng 28 points, habang kumolekta si center Al Horford ng 10 points at 10 rebounds para tulungan ang Celtics na gibain ang Brooklyn Nets, 108-105.

Nag-ambag si Marcus Morris ng 15 points kasunod ang 14 at 13 markers nina Terry Rozier at Jaylen Brown, ayon sa pagkakasunod para sa ikatlong sunod na panalo ng Boston at ikaapat sa kanilang huling limang laro.

Pinangunahan naman ni Rondae Hollis-Jefferson ang Brooklyn, napuwersa sa 10 turnovers sa second half, mula sa kanyang 22 points at 12 rebounds at nagdagdag si Caris LeVert ng 16 markers.

Ito ang pang-pitong sunod na panalo ng Celtics laban sa Nets.

Nagsalpak si Irving ng dalawang free throws sa natitirang 7.7 segundo ng fourth period para sa Boston, hindi nakaiskor sa huling 4:27 minuto ng laro.

Inilapit ni Hollis-Jefferson ang Brooklyn sa 95-103 agwat mula sa kanyang dunk at nakumpleto ang three-point play sa huling 2:05 minuto para lalo pang makalapit sa 98-103.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang three-point shot ni Quincy Acy sa nalalabing 18 segundo ang nagdikit sa Nets sa 103-105 kasunod ang tatlong free throws ni Marcus Smart para selyuhan ang panalo ng Celtics.

Sa Houston, umiskor si James Harden ng 40 points bago iwanan ang laro bunga ng hamstring injury sa dulo ng fourth quarter  habang humugot si Chris Paul ng 15 sa kanyang 28 points sa overtime para akayin ang Rockets sa 148-142 double-overtime win laban sa Los Angeles Lakers.

Tinapos ng Houston, ibinaon ng Los Angeles mula sa isang 17-point lead, ang kanilang five-game skid.

Isinalpak ni Paul ang dalawang free throws para itabla ang Rockets sa 142-142 sa huling minuto ng second overtime bago sinupalpal ni Tarik Black ang tira ni Kyle Kuzma ng Lakers para ibalik ang posesyon sa Houston.

Ang basket ni P.J. Tucker mula sa mintis ni Paul ang nagbigay sa Rockets ng 144-142 bentahe kasunod ang kanyang blangka sa triple attempt ni Kuzma sa panig ng Lakers.

Nagsalpak si Paul ng apat na sunod na free throws para selyuhan ang panalo ng Houston.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: