^

PSN Palaro

Valdez palalakasin ang kampanya ng Creamline

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ngayon, mas pagtutuunan ng pansin ni three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ang Creamline sa pagsabak nito sa Premier Volleyball League.

Matapos ang kanyang kontrata sa Attack Line sa Chinese-Taipei Volleyball League, nais naman tulungan ni Valdez ang Cool Smashers sa kampanya nito sa PVL.

“Gusto kong mag-focus sa Creamline. Sobrang supportive nila sa akin lalo na nung naglaro ako sa national team. May mga games akong na-miss pero suportado nila ako,” ani Valdez na naging miyembro ng national team sa Southeast Asian Games.

Ngunit hindi pa rin isinasara ni Valdez ang posibilidad na muling makapaglaro sa commercial leagues sa ibang bansa.

Sa taong ito, dalawang beses naglaro ang dating Ateneo standout sa international level.

Unang sumalang si Valdez sa 3BB Nakornnont sa Thailand Volleyball League kung saan unang nasilayan sa aksiyon ang 5-foot-10 open hitter noong Enero 29 nang manalo ang kanyang tropa sa King-Bangkok.

Hindi masyadong naga­mit si Valdez sa Thailand league ngunit nagpa­sala­mat pa rin ito sa mga aral na natutunan sa ilalim ng mahuhusay na coaches.

Sunod na naglaro si Valdez sa Taiwan nang lu­magda ito ng kontrata sa Attack Line.

At sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Taiwan, magbabalik ng bansa si Valdez baon ang mga karanasang nakuha nito na maibabahagi niya sa kanyang mga katropa sa Cool Smashers.

Magpapalakas ng husto ang Creamline sa 2018 season upang makasabay sa mataas na lebel ng kumpetisyon sa PVL Reinforced Conference.

Napaulat na kukunin ng Cool Smashers ang serbisyo nina dating La Salle standouts Michele Gumabao at Melissa Go­hing na kapwa miyembro ng Pocari Sweat na nagkampeon sa PVL.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with