^

PSN Palaro

Pinoy cue masters kumakasa pa sa World 9-Ball Championship

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pitong Pinoy cue masters sa pangunguna nina World Games champion Carlo Biado at All-Japan winner Johann Chua ang umusad sa second round ng group stage sa prestihiyosong 2017 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Iginupo ni Biado si Xu Xiao Cong ng China sa iskor na 9-6 sa Group 13 habang namayani naman si Chua kay Hassan Ze­raatgar ng Iran sa bendisyon ng 9-4 panalo sa Group 2 sa event na may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Pasok din sina Francisco Felicilda, Jeffrey De Luna, Warren Kiamco, Jeffrey Ignacio at Roland Garcia.

Pinataob ni Felicilda si Jorge Llanos ng Argentina (9-8) sa Group 1, nanaig si De Luna kay Mohamed El Raousti ng Algeria (9-1) sa Group 3, namayani si K­iamco kay Jason Theron ng South Africa (9-3) sa Group 4, nanalo si Ignacio kay Robert Hart ng Amerika (9-3) sa Group 4 at ginapi ni Garcia si Aayush Kumar ng India (9-6) sa Group 7.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Pinoy cue artists upang makapasok sa knockout stage ng event na may nakalaang $200,000 kabuuang premyo tampok ang $30,000 sa magkakampeon at $15,000 naman sa runner-up.

Makakatipan ni Biado si Richard Halliday ng South Africa samantalang titipanin ni Chua si Jalal Al Sarisi ng Venezuela.

Aariba naman sina Felicilda kontra kay Chang Jung-Lin ng Chinese-Taipei, De Luna kontra kay Muzammil Hussain ng Qatar, Kiamco kontra kay Konstantin Stepanov ng Russia, Ignacio kontra kay Dang Jinhu ng China, at Garcia kontra kay Maximiliamn Lechner ng Austria.

Bigo naman sina 2004 World 9-Ball champion Alex Pagulayan at Israel Rota sa kani-kanilang first-round games.

Yumuko si Pagulayan kay Akagariyama Yukio ng Japan (8-9) habang natalo si Rota kay Chieh Liu Cheng ng Chinese-Taipei (6-9).

Kinakailangan nina Pa­gulayan at Rota na maipanalo ang kanilang mga nalalabing laro para makapasok sa knockout stage.

Unang haharapin ni Pagulayan sa losers’ bracket si Mohammad Berjawi ng Lebanon habang lalarga si Rota kontra Jeremiah Naidoo ng South Africa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with