^

PSN Palaro

Team effort susi ng Ateneo papasok sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala sa isa’t isa ang naging armas ng Ateneo de Manila University para muling makatungtong sa Fi­nals ng UAAP men’s bas­­ketball tournament.

Nagsanib-puwersa ang Blue Eagles sa hu­ling sandali ng laro upang itakas ang 88-84 overtime win laban sa Far Eastern University Tamaraws para masungkit ang huling tiket sa best-of-three championship series.

Nanguna sina Matt Nie­to at center Isaac Go sa nagta­la ng mga krusyal na puntos para dalhin ang ka­nilang tropa sa panalo.

Humataw si Nieto ng 16 puntos kabilang ang isang tres na nagdala sa Blue Eagles sa 85-80 kalama­ngan sa huling 45 segundo ng laro.

“I want to thank coach Sandy for giving me the confidence. Even though I was down in the game, he keeps on saying na ‘kaya mo pa yan, hindi tayo puwedeng matalo. Ikaw pa, ka­ya mo ‘yan, may tiwala ako sa iyo,” ani Nieto.

Sa kabilang banda, si Go naman ang bumanat ng umaatikabong tres na si­yang nagdala sa laban sa overtime.

“I’m thankful to my coa­ches for believing in me. He had more confidence in me than I had in myself. My teammates and the coa­ching staff helped me make that shot,” sabi ng 21-anyos na si Go.

Ngunit haharap sa panibagong pagsubok ang Blue Eagles.

Sa pagkakataong ito, tatangkain ng Ateneo na hubaran ng korona ang nagdedepensang De La Salle University.

Umaasa ang kampo ng Blue Eagles na sapat ang isang araw na ensa­yo upang bumuo ng solidong plano at madala ang ma­gandang momento laban sa Green Archers sa pagsi­simula ng serye bukas sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nauna nang inihayag ni La Salle mentor Aldin Ayo na magiging handa ang kanyang tropa sinuman ang makalaban nito sa UAAP Finals.

“Whoever is deserving, we’re going to play against them. There’s no room for complacency. We just have to keep on working,” wika ni Ayo.

Samantala, tuluyan namang nagbitiw sina Derek Pu­maren at Boy Sablan sa University of the East Red Warriors at University of San­to Tomas Tigers, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with