^

PSN Palaro

Globalport Spurs diretso PGBL finals

Pilipino Star Ngayon
Globalport Spurs diretso PGBL finals

Ang GlobalPort Spurs ang inaugural champions ng Pakitang Gilas Basketball League na kinabibilangan ng sportswriters at photographers.

MANILA, Philippines – Biyaheng finals na ang Globalport Spurs habang pinatatag naman ng Best Center Pioneers ang tangan sa ikalawang puwesto matapos ang mga krusyal na panalo sa pagbabalik aksyon ng 4th Pakitang Gilas Basketball League Willie Cabales Cup sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex kagabi.

Umulit ng panalo ang Spurs sa defending champion Rain or Shine TigerScribes, 66-59, upang manatiling walang bahid sa 4-0 na kartada at masiguro na ang isang silya sa finals.

Kumamada ng 24 puntos, tig-limang rebounds at assists si Aldo Aviñante para pagbidahan ang Spurs habang umambag naman sina Budoy Lagunzad ng anim na puntos at 18 rebounds at Paolo Poblador ng 10 puntos, apat rebounds sa torneyong suportado rin ng Philippine Basketball Association at Philippine Sports Commission.

Samantala, nasayang naman ang 19 puntos at anim na assists ni Cedelf Tupas gayundin ang double-double ni Diego Dela Paz na 14 puntos at 10 rebounds at ang 13 puntos ng rookie na si Paul Lintag para sa TigerScribes na sumadsad sa 1-3 slate.

Sa ikalawang laro, sa kabila ng kakulangan ng manlalaro ay naitakas pa rin ang Pioneers ang panalo sa Dymons, 70-64, para paigtingin ang tsansa na makabangga ang Globaport sa finals.

Napabilib ni Christian Jacinto ang lahat sa kaniyang makasaysayang 30 puntos, 28 rebounds, pitong assists, dalawang steals at tatlong supalpal para sa Best Center na itinarak ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa apat na laro.

Sumuporta naman si Reuben Terrado ng 17 puntos, 12 rebounds, gayundin ang rookie na si Jeremiah Sevilla na may 14 puntos, anim na rebounds at four assists.

Wala pa rin namang panalo ang Dymons upang lumagay sa ilalim ng standings.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with