^

PSN Palaro

Cocolife pinatibay ang kapit sa no. 4

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas    (De La Salle Sentrum, Lipa City)

4 p.m. Foton vs Sta. Luciaa  

6 p.m. UST vs F2 Logistics

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Cocolife laban sa Iriga City, 25-23, 25-15, 26-24 para pa­lakasin ang hawak sa pang-apat na puwesto kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinangunahan nina imports Taylor Milton at Shar Latai-Olevao ang panalo ng Asset Managers para lalong lumakas sa 3-3 win-loss kartada at manatili sa ika-apat na upuan sa likuran ng nangungunang F2 Logistics (3-0), Petron (5-1) at Foton (4-1).

Dahil sa kabiguan,  na­natili ang Oragons sa ikawalong puwesto sa 1-4 card. Ang tanging panalo pa lamang sa Iriga ni coach Parley Tupaz ay sa Sta. Lucia Lady Realtors, 15-25, 25-20, 22-25, 25-16, 15-13  noong Oktubre 24.

Umiskor si Milton ng 20 puntos habang si Manu-Olevao ay umani rin ng 19 para sa Asset Managers na bumangon agad matapos matalo sa F2 Logistics, 24-26, 21-25, 21-25 noong Sabado.

“Sa Iriga kung  mag-re­lax ka tutuhugin ka talaga. Hindi ko na alam kung natalo pa kami doon sa first set baka magkaroon pa ng fifth set,” sabi ni Cocolife coach Kungfu Reyes.

Lumamang ang Cocolife, 24-21 sa unang set ngunit lumapit ang O­ragons, 23-24, bago nakuha nilang tuluyan sa hataw nina Milton at sa third set umabante ang tropa ni coach Reyes ng malaki, 18-11  pero nahabol ng Iriga sa 20-all bago ang atake ni Milton para tapusin ang laban sa isang oras at 36 minutos.

“Although bata pa ang Iriga sa liga, pero hindi mo pa rin puwedeng bale­walain dahil makikita naman natin sa first game nila rito sa conference na ito,” dagdag ni Reyes.

“Yung third set nag-struggle kami mabuti na lang at naka-rekober pa kami. ‘Yung sa amin, buti may lumabas naman kahit papaano. Kaya ‘yun nakuha pa rin namin ‘yung third set but it was a close fight. Still panalo pa rin kami,” aniya.

Umani  ang Serbian import na si Tamara Kmezic ng 16 puntos habang 10 naman kay Saam Miyagawa para sa Iriga City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with