^

PSN Palaro

Back-2-back MVP ni Mbala

Pilipino Star Ngayon
Back-2-back MVP ni Mbala

Ben Mbala

MANILA, Philippines — Muling ibubulsa ni Ben Mbala ng De La Salle University ang Most Valuable Player (MVP) award matapos manguna sa statistical points sa pagtatapos ng eliminasyon ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Humakot ang Came­roonian slotman ng 96.58 statistical points (SPs) mula sa averages na 26 points 13.1 rebounds at 2.5 blocks upang masungkit ang kanyang ikalawang sunod na MVP plum.

Nagawa pa ring makuha ni Mbala ang natata­nging parangal matapos lumiban ng dalawang laro sa first round ng eliminasyon dahil naglaro ito para sa Cameroon sa FIBA AfroBasket noong Agosto.

Tinulungan ni Mbala ang La Salle na makuha ang No. 2 seed tangan ang 12-2 rekord.

Nasa malayong ikalawang puwesto si Thirdy Ravena ng Ateneo na nakalikom lamang ng 66.50 SPs kasunod sina Jayjay Alejandro ng National University (63.86), Alvin Pasaol ng University of the East (63.43) at Papi Sarr ng A­damson (63.15).

Pasok sa Top 10 sina Issa Gaye ng National University (57.57), Steve Akomo ng University of Santo Tomas (56.77), Ricci Rivero ng La Salle (56.28), Paul Desiderio ng University of the Philippines (54.50) at Chiz Ikeh ng Ateneo (49.36).

Mapapasakamay naman ni Juan Gomez de Liano ng Fighting Maroons ang Rookie of the Year award dahil ito ang may pinakamataas na SPs sa listahan ng mga rookies sa season na ito.

Nakakuha si Gomez de Liano ng 46.69 SPs para pumuwesto sa ika-14.

Gayunpaman, wala sa isip ni Mbala ang MVP award dahil nakasentro ito sa mas malaking resposibilidad - ang mapanatili ng La Salle ang kampeonato.

Mataas ang moral ng Green Archers na galing sa 79-76 panalo laban sa Blue Eagles noong Linggo na siyang pumigil sa huli na masungkit ang outright finals slot.

Umiskor si Mbala ng 28 puntos, 19 rebounds, anim na assists at anim na blocks para pamunuan ang La Salle na dungisan ang rekord ng  Ateneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with