^

PSN Palaro

Mojdeh nagpakilala sa Batang Pinoy

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh nagpakilala sa Batang Pinoy

Nilangoy ni Micaela Jasmine Mojdeh ang ginto sa 200m butterfly sa oras na 2:31.38 sa girls 11-12 and under category ng Batang Pinoy na idinaos sa Vigan. Ito ang unang paglahok ng 11-anyos Fil-Iranian na si Mojdeh sa naturang kompetisyon kung saan kumubra ito ng 4 na ginto at isang pilak. Joey Mendoza

4 ginto, 1 pilak ang nilangoy sa unang paglahok

MANILA, Philippines — Itinanghal na Most Bemedalled Female Swimmer si Philippine Swimming League (PSL) standout Micaela Jasmine Mojdeh sa 2017 Batang Pinoy Luzon Qualifying swimming competition na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur.

Pambato ng Paraña­que City, sumisid ang 11-anyos na si Mojdeh ng apat na ginto at isang pilak para mangibabaw sa girls’ 12-under event.

Magarbong sinimulan ni Mojdeh ang kampanya nito matapos manguna sa 100m butterfly sa bilis na isang minuto at 8.52 segundo para pataubin sina Puerto Princesa City bet Maglia Dignadice (1:11.71) at Laguna tanker Mariah Ubando (1:16.27) na parehong 12-anyos.

Muling umariba si Moj­deh sa 400m Individual Medley nang irehistro nito ang 5:35.87 - limang segundong mas mabilis kay silver medalist Samantha Corpuz ng La Union na nagtala ng 5:40.90.

Nakaginto rin si Moj­deh sa 50m butterfly at 200m butterfly habang pu­mangalawa ito sa 200m breaststroke.

Galing si Mojdeh sa matamis na kampanya sa 2017 Buccaneer Invita­tional Swimming Championship sa Tokyo, Japan kung saan bumasag ito ng tournament records para tanghaling Most Outstanding Swimmer sa girls’ 11-12.

“Medyo nakakapagod dahil from Japan dumiretso agad kami sa Vigan. But I’m happy with my performance here in Batang Pinoy. I  was able to improve my times and I’m looking forward to the National Finals next year. I still have a few months left to prepare for that,” wika ni Mojdeh na siyang reigning PSL Female Swimmer of the Year at Tony Siddayao awardee sa Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night.

Sasabak si Mojdeh sa Batang Pinoy National Finals na gaganapin sa susunod na taon kung saan makakasagupa nito ang pambato ng Visayas at Mindanao na maglalaban-laban para makahirit ng ti­ket sa national junior team.

“It’s was an exhausting week for us. We were in Japan last week then we immediately went here in Vigan for the Batang Pinoy then we went to Laoag for the PSL National Series,” wika ni Joan Mojdeh ang nanay ni Micaela Jasmine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with