^

PSN Palaro

Lakers pinigil ang Pistons; Kings sumadsad sa Pacers

Pilipino Star Ngayon
Lakers pinigil ang Pistons; Kings sumadsad sa Pacers

Tinangkang supalpalin ni Jon Leuer ng Pistons si Julius Randle ng Lakers.

LOS ANGELES — Pitong players ang umiskor ng double figures para sa 113-93 paggupo ng La­kers sa Detroit Pistons at wakasan ang kanilang dalawang sunod na kamalasan sa Staples Center.

Umiskor sina reserves Julius Randle at Kyle Kuzma ng 17 at 16 points, ayon sa pagkakasunod, para sa ikatlong panalo ng Los Angeles.

Isang 13-2 atake ang inilunsad ng Lakers bench sa second quarter at hindi na nilingon pa ng home team ang Pistons kung saan bumandera si Randle sa isa pang 12-2 bomba sa fourth period.

Nagtala si Larry Nance Jr. ng double-double mula sa kanyang 14 points at 12 rebounds, habang nagdagdag sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Kentavious Caldwell-Pope ng tig-13 markers para sa Los Angeles (3-4).

Pinangunahan naman nina Tobias Harris at Reggie Jackson ang Detroit (5-3) mula sa kanilang  tig-18 points.

Sa Indianapolis, tumipa si Bojan Bogdanovic ng 17 points para banderahan ang balanseng opensa ng Indiana Pacers at kunin ang 101-83 panalo laban sa Sacramento Kings.

Iniskor ng Pacers (4-3) ang unang 9 points patu­ngo sa pagtatayo ng 55-30 abante sa halftime.

Humakot si Indiana se­cond-year forward Domantas Sabonis, nagmula sa pagtatala ng personal-best 22 points at 12 rebounds noong Linggo, ng double-double sa first half mula sa kanyang 10 points at 12 rebounds.

Tumapos siya na may career-high 16 rebounds bukod pa sa 12 points at 5 assists.

Pinamunuan naman ni rookie guard De’Aaron Fox ang Kings (1-6) mula sa kanyang 18 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with