^

PSN Palaro

Kampo ni Horn inaasam pa rin ang Pacquiao rematch

Pilipino Star Ngayon
Kampo ni Horn inaasam pa rin ang Pacquiao rematch

MANILA, Philippines – Kahit may nakatakda nang laban sa Disyembre, iniisip pa rin ng kampo ni WBO welterweight champion Jeff Horn kung paano matutuloy ang rematch nila kay eight-division champion Manny Pacquiao.

Muling babalik sa gitna ng ring si Horn laban sa hindi kilalang si Gary Corcoran sa Disyembre 13 sa Brisbane, Australia kung saan inaasahang malalampasan ng Australyano ang Briton.

Si Pacquiao sana ang kalaban ni Horn sa Disyembre ngunit hindi ito natuloy matapos hindi maplantsa ang detalye ng bakbakan tulad ng venue.

Nais ng Pinoy boxer na gawin sa Pilipinas ang rematch ngunit hindi naman siya tutulungan ng Department of Tourism sa gastusin at hindi rin naman ito gagastusan ni Top Rank chief Bob Arum.

Kung ang kampo ni Horn naman ang tatanungin ang tanging nais lamang nila upang matuloy ang rematch ay gawin itong muli sa Suncorp Stadium sa Brisbane kung saan nakahandang umayuda ang lokal na pamahalaan tulad nang nangyari sa una nilang pagtatagpo nitong Hulyo.

"The only problem we do have is our good friend Mr. Pacquiao, who is never as easy we would like him to be," wika ni Dean Lonergan ng Duco Events sa AAP.

"We will work with him [Pacquiao’s camp] for the next few months to get that fight down here," dagdag niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with