^

PSN Palaro

Chiefs, Knights kailangang manalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

12 nn. EAC vs UPHSD (Srs)

2 p.m. MU vs AU vs (Srs)

4 p.m. CSJL vs CSB (Srs)

MANILA, Philippines —  Importanteng panalo laban sa mga talsik nang karibal ang tatangkain ng Arellano University at Colegio de San Juan de Letran para mapalakas ang kanilang tsansa sa Final Four sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakatipan ng Arellano ang Mapua sa alas-2 habang haharapin ng Letran ang College of Saint Benilde sa alas-4. Lalarga rin ang duwelo ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-12 ng tanghali.

Mainit ang bakbakan para sa huling tiket sa Final Four.

Nakatali sa three-way tie sa No. 4 spot ang Arellano, Letran at San Sebastian College-Recoletos tangan ang pare-parehong 8-9 baraha.

Kung mananalo ang Chiefs at Knights sa kani-kanilang laban, makasisi­guro ang mga ito ng playoff para sa Final Four spot.

Nakasisiguro na ng tiket sa semis ang nangu­ngunang Lyceum of the Philippines (17-0), nagde­depensang San Beda College (16-1) at Jose Rizal University (11-7).

Maganda ang takbo ng Chiefs na nakasakay sa three-game winning streak kabilang ang 62-52 panalo laban sa Perpetual Help noong Huwebes.

Malaking kawalan sa Arellano si ace player Kent Salado na nagtamo ng MCL (medial collateral ligament) noong nakaraang linggo at mangangailangan ng mahabang pahinga.

Ngunit halos hindi ito naramdaman ng Chiefs dahil maraming manlalaro ang nag-step up kabilang na sina Lervin Flores, Rence Alcoriza at Levi Dela Cruz na pare-parehong may double digits na naitala sa kanilang huling laro.

Nakakuha si Flores ng 19 puntos habang may 16 si Alcoriza at 11 naman si Dela Cruz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with