^

PSN Palaro

NSAs sa POC: Malinis na training facilities itayo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng grupo ng mga NSAs (National Sports Associations) sa Philippine Sports Commission na magtayo ng malinis na training facilities para sa kanilang mga atleta, kasama na ang disenteng living quarters.

Ang naturang grupo ang siya ring nagtutulak ng reporma sa Philippine sports kamakailan.

Naging isyu sa nakaraang mga taon ang estado ng pamumuhay ng mga national athletes  at habang sinubukan itong resolbahan ng PSC ay hindi pa rin kuntento ang mga kasalukuyang nakatira sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports Arena.

Iginiit pa ng mga kinatawan ng 18 NSAs, ayaw tawa­ging isang rebel group, sa PSC na aksyunan ang medical o health care para sa mga atleta.

Gusto rin ng grupo na pagbutihin ng PSC ang operas­yon ng NSA affairs, gawing epektibo ang accounting process at magkaroon ng mas mahusay na systematic procurement process para sa kanilang mga equipment at supplies.

Ipinarerebisa rin ng grupo ang kalendaryo ng PSC at tiyaking hindi makakasabay ang kanilang mga kompetis­yong gagawin sa torneo ng mga NSAs.

Kasama rito ang Batang Pinoy, Palarong Pambansa at Philippine National Games.

Naniniwala ang mga NSAs na ang lahat ng ito ang nagdaragdag sa pagbulusok ng Philippine sports sa international arena kagaya ng Southeast Asian Games kung saan tumapos sa sixth place ang bansa.

Sinabi ni PSC chairman William Ramirez na gina­gawa na ng government sports agency ang lahat para resolbahin ang nasabing mga isyu.

Nadiskaril ang plano ng PSC na magtayo ng isang five-star canteen para sa mga atleta at ang pagbili ng high-standard medical equipment na nagkakahalaga ng P100 milyon. Nasa plano rin ng PSC ang renobasyon ng RMSC, Philsports at Teachers Camp sa Baguio City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with