^

PSN Palaro

Anthony dinala sa Thunder

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK — Ngayon ay makakahinga na ng ma­luwag si Carmelo Anthony.

Hindi na siya matatagpuan sa Knicks training camp dahil makikita na siya sa Oklahoma City kung saan niya makakasama sina All-Stars Russell Westbrook at Paul George.

Pumayag ang Knicks na i-trade si Anthony sa Thunder at mahuhugot sina Enes Kanter, Doug McDermott at isang draft pick.

Isinuko ni Anthony ang kanyang no-trade clause para makumpleto ang ka­sunduan ng dalawang koponan.

Naglista si Anthony ng average na 22.4 points sa nakaraang season at naglaro sa kanyang ika-10 All-Star Game.

Itinuring naman ni  Kan­ter, ang 6-foot-11 center mula sa Turkey at ang third pick noong 2011 draft, na panibagong hamon ang kanyang paglalaro para sa Knicks.

Umiskor siya ng ave­rage na 11.3 points para sa Utah Jazz at Thunder.

Sa Knicks ay walang championship core si Anthony at sa kanyang paglipat sa Thunder ay makakatulong niya sina Westbrook, ang NBA  MVP at kapwa All-Star na si George na nakuha mula sa Indiana Pacers kamakailan.

Kaagad makakasagupa ni Anthony ang kanyang mga dating teammates sa Knicks sa regular season sa Oklahoma City sa Oktubre 19.

Ibinuhos ni Phil Jackson ang kanyang panahon sa New York para maihanap ng trade si Anthony.

Ngunit nahirapan siya dahil ang 33-anyos na forward ay may natitira pang dalawang taon na kontrata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with