^

PSN Palaro

Lady Bulldogs, Falcons semis ang puntirya

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng National University at Adamson University na hablutin ang unang dalawang silya sa semis sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na laban ngayong araw sa Premier Volleyball League Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng NU ang Jose Rizal University sa alas-4 ng hapon habang lalarga ang Adamson laban sa College of Saint Benilde sa alas-6:30 ng gabi.

Parehong nangunguna ang Lady Bulldogs at Lady Falcons sa kani-kanilang grupo tangan ang magka­tulad na 3-0 rekord.

Pinataob ng NU ang Lyceum of the Philippines, San Sebastian College at Far Eastern University sa kanilang unang tatlong laro.

At nais ng Lady Bulldogs na mapasama ang Lady Bombers sa kanilang mga biktima na magdadala sa kanila sa awtomatikong puwesto sa Final Four.

“My only wish is that no player gets injured and they don’t overdo things. They just have to stick to the system we’re trying to do. Even with slow increments of improvement, I’ll be happy,” wika ni NU coach Babes Castillo na siyang humalili kay coach Roger Gorayeb.

Walang iba kundi si 6-foot-5 Jaja Santiago ang mangunguna sa atake ng Lady Bulldogs kasama sina Filipino-Japanese Risa Sato, Aiko Urdas at Jasmine Nabor na miyembro ng BaliPure na nagkampeon sa Open Conference kamakailan.

Inaasahang makalalaro na rin si senior high player Princess Robles na nagtamo ng ankle injury sa sa four-set victory ng Lady Bulldogs sa Lady Stags may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa kabilang banda, pamumunuan naman ni open hitter Jema Galanza ang Lady Falcons na galing sa impresibong panalo sa UP Lady Maroons. Tinalo rin ng  Adamson ang reig­ning NCAA titlist Arellano University at Technological Institute of the Philippines.

Napatalsik na sa kontensiyon ang Lady Bom­bers at Lady Blazers subalit inaasahang magbibigay pa rin ang mga ito ng magandang laro upang magarbong tapusin ang kanilang kampanya sa kumperensiyang ito.

Sa men’s division, magtutuos ang FEU (4-1) at UP (1-4) sa alas-8 ng umaga kasunod ang duwelo ng San Beda (1-3) at Benilde (0-4) sa alas-10.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with