^

PSN Palaro

Roach umaasang matutuloy ang Pac-Horn II

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kagaya ng mga Pinoy ay ipinagdarasal din ni chief trainer Freddie Roach na maplantsa ang rematch nina Filipino boxing star Manny Pacquiao at Australian world welterweight king Jeff Horn sa susunod na taon.

Ang naturang rematch ang inaasahan ni Roach na magiging pinakahuling pagkakataon na aakyat ng boxing ring ang Filipino world eight-division champion kasunod ang tuluyan na nitong pagreretiro.

“I would like to see him retire after a Horn rematch because being a senator and a professional boxer is way too much. It’s two jobs that are very, very demanding,” sabi ni Roach sa panayam kahapon ng Sky Sports.

Tinalo ng 29-anyos na si Horn ang 38-anyos na si Pacquiao via unanimous decision para agawin sa huli ang bitbit nitong World Boxing Organization welterweight belt noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Sa kanilang fight contract ay nakasaad ang rematch kung saan ito ay dapat lamang gawin sa Australia at hindi sa Pinas.

Kamakalawa ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na malabo nang matuloy ang rematch nina Pacquiao at Horn dahil sa pamimilit ng Filipino boxing star na idaos ito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Arum, wala siyang pondo para tustusan ang naturang rematch sa Pilipinas bukod pa sa hindi na ito tatangkilikin ng mga boxing fans sa buong mundo.

Bukod kay Horn, ang isa pang opsyon ni Pacquiao ay ang labanan si American unified world super lightweight titlist Terence Crawford. (RCadayona)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with