^

PSN Palaro

Beermen lalapit sa bonus

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng San Miguel Beer na makuha ang importanteng panalo laban sa Phoenix upang makalapit sa inaasam na twice-to-beat incentive sa quarterfinals sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Season 42 Go­vernors’ Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Maghaharap ang Beermen at Fuel Masters sa alas-7 ng gabi habang magtutuos sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ang Rain or Shine at Alaska.

Nauna nang napatalsik ang Fuel Masters (2-8) at Aces (3-7). Nasa ikalimang puwesto naman ang Beermen tangan ang 6-3 rekord sa likod ng Barangay Ginebra San Miguel (8-2), Meralco (7-2), NLEX (7-3) at Talk ‘N Text (7-3).

Mapanganib ang Beermen na nakakuha ng mala­laking puntos mula kay slotman June Mar Fajardo sa kanilang 118-112 come-from-behind win laban sa Kia noong Sabado.

Humataw ang 6-foot-10 ng halimaw na 41 puntos at 17 rebounds para tulungan ang Beermen na makuha ang tiket sa quarterfinals.

Subalit hindi pa kuntento ang Beermen sa kanilang quarterfinals slot.

Nais nitong mahablot ang isa sa apat na insentibo sa susunod na yugto.

Kailangan lamang ng Beermen na maipanalo ang kanilang huling dalawang laro--laban sa Phoenix at kontra sa Meralco --para maisakatuparan ang kanilang inaasam na pagkopo sa twice-to-beat.

“We have to play good basketball since everybody is trying to beat us. We need to win against Phoenix and Meralco first to make it to the Top 4,” pahayag ni Beermen mentor Leo Austria.

Kailangan din ng Beermen na mag-ingat dahil desidido ang Fuel Masters na magkaroon ng magarbong pagtatapos ang kanilang kampanya.

Magandang inumpisahan ng Phoenix ang kumperensiya matapos magtala ng 2-0 panimula. Subalit lumasap ito ng walong sunod na kabiguan para tuluyang masibak sa kontensiyon.

“We want to end the season with a win,” ani Phoenix coach Ariel Vanguardia.

Aasahan ng Fuel Masters si Brandon Brown na may impresibong averages na 35.8 points at 17.8 rebounds.

Kailangan lang nito ng solidong suporta mula sa kanyang mga katropa.

Sa kabilang banda, may tsansa pa ang Elasto Pain­ters para sa quarterfinal bonus hawak ang 5-4 baraha.

Nakasalalay ito kung matatalo ang iba pang koponan na nakapaloob ang Top 4 sa standings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with