PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ateneo naiwan sa itaas

Na-trap si Barkley Ebona ng FEU sa pagitan nina Shannon Gagate at Clark Victor Derige ng UE sa UAAP.   (Joey Mendoza)
 

MANILA, Philippines —  Dinagit ng Ateneo ang 92-71 impresibong panalo kontra sa University of the Phi­lippines upang masolo ang liderato sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Unti-unting gumagawa ng sariling pangalan si Thirdy Ravena nang pamu­nuan ang Blue Eagles tangan ang 16 puntos at anim na rebounds habang nakatuwang nito si Tyler Tio na naglista ng 14 markers at dalawang assists.

Balanse ang atake ng Ateneo kung saan nag-ambag halos lahat ng manlalaro nito kabilang na sina Chiz Ikeh at Aaron Black na may tig-siyam na puntos, at sina Matt Nieto, Rafael Verano at Anton Asistio na may tig-pito.

Balik sa lupa ang UP na nahulog sa 1-1 baraha.

Nagningning para sa Fighting Maroons si Juan Gomez de Liano na may 16 puntos, pitong boards, dalawang assists at dalawang steals.

Halimaw ang Ateneo sa rebounding nang humatak ito ng 51 laban sa 38 lamang ng UP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa unang laro, sinuwag ng Far Eastern University ang University of the East sa pamamagitan ng 90-83 desisyon para makuha ang kanilang unang panalo sa dalawang pagsalang.

Limang FEU players ang nagsumite ng double figures sa pangunguna ni Ron Dennison na kumana ng 16 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals para makabalik sa porma ang tropa matapos ang kanilang kabiguan sa La Salle sa ka­nilang unang laro.

“Sinabi ko na gawin naming motivation yung mga mali namin (against La Salle). Kailangan naming matuto sa mga mali namin, nagawa naman namin ngayon,” wika ni Dennison.

Bumanat naman si Prince Orizu ng double-double na 15 puntos at 16 boards habang may tig-11 puntos sina Richard Escoto, Barkley Ebona at Arvin Tolentino para sa Tamaraws.

Mainit ang palad ni Clark Derige na kumana ng 22 puntos, dalawang rebounds at isang assists para sa UE.

Subalit nawalan ito ng saysay at nahulog pa rin sa ikalawang sunod na kabiguan ang Red Warriors.

Nakagawa ng 23 turnovers ang Tamaraws laban sa 15 lamang ng Red Warriors ngunit humataw ang FEU ng 50 rebounds kumpara sa 42 lamang ng UE.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: