^

PSN Palaro

Gilas cadets target ang 2-0 record kontra sa Myanmar

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Gilas cadets target ang 2-0 record kontra sa Myanmar

KUALA LUMPUR -- Iniwanan ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Gilas cadets ang player ng Thailand. (Kuha ni Jun Mendoza)

KUALA LUMPUR -- Matapos pabagsakin ang Thailand ay lalabanan naman ng Gilas Pilipinas cadets ngayon ang Myanmar para sa pagpuntirya sa ikalawang sunod na panalo sa men’s basketball event ng 29th Southeast Asian Games dito sa MABA Stadium.

 Inaasahang makakatulong si small forward Carl Bryan Cruz, miyembro ng Gilas Pilipinas na tu­­mapos sa No. 7 sa nakaraang 2017 FIBA Asia Cup sa Lebanon, sa pagtarget ng Na­­tionals sa record na ika-17 gold medal sa biennial games.

Tinalo ng Gilas cadets ang Thailand, 81-74, sa opening game noong Linggo.          

Naiwanan sa 69-71 sa huling apat na minuto ng laro, sinandigan ni head coach Jong Uichico sina Keifer Ravena at Baser Amer para agawin ang bentahe laban sa mga Thais.

Tumirada si Ravena ng dalawang free throws at clutch jumper para ibigay sa Gilas cadets ang 75-71 kalamangan kasunod ang layup ni Amer para selyuhan ang panalo.

Samantala, haharapin ng Perlas Pilipinas ang Myanmar sa women’s basketball.

 Nagtala sina Afril Bernardino, Janine Pontijos at Camille Sambile ng pinagsamang 39 points para gibain ang Singapore, 88-54, noong Linggo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with