^

PSN Palaro

Pinoy triathletes kayang ma-sweep ang ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puntirya ng national triathlon team na muling mawalis ang dalawang gintong nakataya sa 2017 Southeast Asian Games triathlon event na lalarga ngayong umaga sa Water Sports Complex sa Putrajaya City sa Malaysia.

Nakatakdang ipagtanggol nina reigning Southeast Asian Games champions Nikko Huelgas at Ma. Claire Adorna ang kanilang korona laban sa matitikas na triathletes sa rehiyon.

Malakas ang tsansa nina Huelgas at Adorna na mapanatili ang kani-kanilang titulo matapos ang kanilang impresibong kampanya sa World Cup, Asian Championships at Subic International competitions.

Makakasama nina Huelgas at Adorna sa kampanya sina Kim Mangrobang at John Chicano na may tsansa ring makahirit ng medalya.

“We don’t see anybody threatening us,” wika ni national team coach Rick Reyes.

Unang lalarga ang men’s division sa alas-7:30 ng umaga na susundan ng women’s side sa alas-8:15 ng umaga.

Si Mangrobang ay tumapos sa ika-19 sa Tiszaujvaros ITU (International Triathlon Union) Triathlon World Cup na ginanap sa Hungary noong Hunyo 22.

Sumailalim din si Mangrobang sa isang training camp kay Portuguese coach Sergio Santos sa Rio Major, Portugal noong Mayo.

Nagsanay naman si Adorna sa loob ng isang buwan sa Phuket, Thailand kasama si coach Melvin Fausto bilang paghahanda sa SEA Games.

“By natural ability Claire is favored but for physical abilities Kim has the edge and she is hungry,” wika ni Rachelle Dumuk na isang ITU Level 3 technical official at miyembro ng Philippine Sports Commission-PH Secretariat member.

“Huelgas is a seasoned veteran international campaigner, but Chicano is determined to win also,” dagdag nito.

Si Adorna ay kasama ng Philippine Swimming League sa ilang international competitions sa China, Russia, Thailand, Hong Kong at Singapore bago magpasyang lumipat sa triathlon noong 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with