^

PSN Palaro

PH men’s volley team biyaheng Korea ngayon

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -   Aalis ngayong araw ang Philippine national men’s volleyball team patungong Suwon, South Korea para sa kanilang dalawang linggong pagsasanay bilang paghahanda sa parating na 29th Southeast Asian Games.

Sa pangunguna ni team captain Johnvic de Guzman lilipad ang koponan sa alas-2:35 ng hapon sakay ng Philippine Air Lines upang paghandaan ang SEAG  battle sa Kuala Lumpur, Malaysia sa  Agosto 19-30.

Tiniyak ni national men’s team head coach Sammy Acaylar  na magiging mahigpit at rigid ang training nila sa South Korea kung saan magkakaroon din sila ng mga tune-up matches  laban sa iba’t ibang koponan sa loob ng Sungkyunkwan University.

“Pagdating namin sa Korea may three days sila at tatlong beses mag-e-ensayo. Then another three days na may twice a day practice for morning and afternoon,” sabi ni Acaylar.

“Kumbaga, Monday, Wednesday, Friday three times of practice sessions. Then Tuesday, Thursday, Saturday, two times,” dagdag ni Acaylar.

Gagamitin ng nationals ang mga facilities ng SKK University sa kanilang trai­ning at tune up matches at practice games naman sa Hwasung volleyball court at Suwon Indoor Gym.

Makakaharap ng kopo­nan ang mga club teams ng Hwasung City kabilang na ang Korean national U-19 team, Korean Universiade national squad at SKK University squad.

Target ni Acaylar na mapabuti ang speed at floor defense nina Relan Taneo at lahat ng 12 mi­yembro ng national squad.

Ang Philippine men’s volleyball team ay kasama sa  bracket ang mga mala­lakas na teams na Vietnam at Indonesia sa SEAG.

Bukod kay De Guzman, ang iba pa sa kopo­nan ay sina Rey Taneo, Bryan Bagunas, PVL   MVP  Ranran Abdilla, Mark Alfafara, Alden Cabaron, Reyson Fuentes, Bonjomar Castel, Herschel Ramos, Jack Kalingking, Greg Dolor, Peter Quiel at John E­duard Carascal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with