Beermen ‘di pa puwedeng magkumpiyansa
Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel vs TNT Katropa (Game 4, Finals)
MANILA, Philippines - Hangga’t hindi nakukuha ng San Miguel ang ikaapat na panalo ay hindi pa nila maaaring balewalain ang TNT Katropa sa kanilang best-of-seven championship series para sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.
Sinabi ni import Charles Rhodes na wala pang dahilan para magkumpiyansa ang Beermen sa kanilang title wars ng Tropang Texters.
“We gotta take it one game at a time. It’s a seven-game series,” wika ni Rhodes. “That’s a great team over there, so we gotta take every game, one at a time, one at a time.”
Matapos malusutan ng TNT Katropa sa Game One, 104-102 ay inangkin naman ng San Miguel ang Game Two, 102-88 at Game Three, 109-97 para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.
Pipilitin ng Beermen, nasa kanilang ika-38 finals appearance, na makalapit sa kanilang pang-24 korona sa pagtarget sa 3-1 bentahe laban sa Tropang Texters sa Game Four bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Nangako si Rhodes, ipinagdiwang ang kanyang ika-32 kaarawan noong Linggo na muling magbibigay ng solidong produksyon para sa San Miguel.
Kumolekta si Rhodes ng ng 25 points, 20 rebounds, 2 steals at 1 shot block sa kanilang panalo laban sa Texters sa Game Three.
“I just wanted to come out and work hard,” ani Rhodes. “Just try to help my team, and I did that. My team took care of the rest. I just added a little bit.”
- Latest