^

PSN Palaro

Marcial wagi ng ginto sa Ulaanbaatar Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marcial wagi ng ginto sa Ulaanbaatar Cup

Sina Eumer Felix Marcial (kanan) kasama ang coach na si Boy Velasco. ABAP Image

MANILA, Philippines - Uuwi ang national boxing team tangan ang isang ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya mula sa 2017 Ulaanbaatar Cup Boxing Tournament na idinaos sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Nasungkit ni reigning Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial ang nag-iisang gintong medalya matapos pagha­rian ang men’s middleweight division sa torneong may basbas ng Asian Boxing Confederation.

Nairehistro ni Marcial ang unanimous decision win laban kay Jan Xo Ja ng China sa gold-medal match.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng 21-anyos na si Marcial laban sa Chinese bet kung saan tinalo rin nito sina Hu Richbilige sa quarterfinals at  Zhan Chao Feng sa semifinals.

Nakasiguro si Marcial ng opening-round bye.

Hindi naman pinalad si Rio Olympics veteran Rogen Ladon na lumasap ng split decision loss kay  Gan-Erdene Ganhuyag ng host Mongolia sa championship round ng men’s light flyweight para magkasya sa pilak na medalya.

Galing naman ang tansong medalya kina Incheon Asian Games silver medalist Charly Suarez sa men’s light welterweight at Riza Pasuit sa women’s lightweight matapos yumuko sa kani-kanilang semifinal matches noong Sabado.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Cebu City pride Jeorge Rey Edusma at Daniel Maamo na natalo naman sa kanilang quarterfinal matches.

Ang pagsabak ng national team sa natu­rang torneo ay bahagi ng paghahanda nito sa 2017 Southeast Asian Games na idaraos sa Agosto 19 hanggang 30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakahirit ang national team ng isang ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa 2017 President's Cup - Elite International Boxing Championship na ginanap sa Astana, Kazakhstan.

Puntirya ng Association of Boxing Alliances in the Philippines na maipagtanggol ang korona nito sa Malaysia Games matapos kubrahin ang overall title sa boxing noong 2015 edisyon hawak ang limang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with