Pacquiao: Uuwi akong kampeon
BRISBANE - Sa kanyang pagdating dito kahapon ay idineklara ni Filipino boxing great Manny Pacquiao na babalik siya sa Pilipinas na suot pa rin ang kanyang world welterweight belt.
Kasama ang malaking grupo sa kanilang biyahe mula sa Pilipinas, idedepensa ni Pacquiao ang kanyang bitbit na World Boxing Organization welterweight title laban kay Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium.
“In all my years of boxing, I have never been as motivated and fired up as this fight,” sabi ni Pacquiao sa mga reporters sa airport.
“My team is very happy with my preparation. I am looking forward to this and I will be going home as world champion,” dagdag pa ng Senador.
Inaasahan nang magaang na tatalunin ni Pacquiao (59-6-2, 38 knockouts) si Horn (16-0-1, 8 KOs), subalit hindi pa nakakapagtala ang Filipino great ng isang knockout victory sapul nang pigilin sa 12th round si Miguel Cotto noong 2009.
Ayon sa Filipino world eight-division champion, gagamitin niya si Horn para patunayan na hindi pa siya laos at kaya pa niyang makapagpabagsak ng kalaban sa edad na 38-anyos.
Kumpiyansa naman ang 29-anyos na si Horn, dating physical education teacher sa Brisbane, na tatalunin niya si Pacquiao at hihirangin bilang bagong WBO welterweight king.
Samantala, nagsimba naman si Pacquiao ilang oras matapos ang kanyang pagdating dito sa Brisbane.
Plano ni Pacquiao na magdaos ng light sparring session kasama sina trainer Freddie Roach, conditioning coach Justin Fortune at sparring partner George Kambosos Jr.
“Training is good, we did a lot of hard work, I am very excited for the fans to give a good show to show my best and in boxing ring,” wika ni Pacquiao.
Ayon kay Roach, hindi nila binabalewala si Horn kaya naging matindi ang pagsasanay ni Pacquiao.
“He has the best work ethic in the world. He trains hard every day and we do 48 boxing rounds every day non-stop just work, work, work,” ani Roach. “We are here to win the fight, we don’t take anyone lightly.”
- Latest