^

PSN Palaro

Stags palaban kahit walang import

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang foreign players ang San Sebastian College.

Subalit sapat ang lakas ng kanilang local players upang maging isa sa mga matinik na koponang sasa­bak sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament na magsisimula sa Hulyo 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatunayan ito ng Stags nang makaabot sila sa quarterfinals laban sa matitikas na collegiate teams mula NCAA at UAAP sa Filoil F­lying V Premier Cup.

Sinabi ni San Sebastian coach Egay Macaraya na malaking tulong ang pre-season tournaments upang higit na mahasa ang kanyang bataan partikular na sa bilis at agresibong depensa.

“We know we’re a smal­ler team compared to others who have foreign players. What we did was to outrun our opponents, play tougher defense and being versatile,” ani Macaraya sa kanyang ikalawang taon sa kampo ng Stags.

Pinalitan ni Macaraya si Rodney Santos noong nakaraang taon.

Isa sa tinukoy ni Macaraya si Michael Calisaan na 6-foot-6 forward na may kakayahang bumanat ng kaliwa’t kanang three-point shots.

Malalim din ang lineup ng Stags dahil nariyan si Lorenzo Navarro na transferee mula De La Salle University. Hindi na bago si Navarro sa San Sebastian dahil naglaro na ito para sa Staglettes sa juniors division.

Makakasama rin sa lineup sina Alfren Gayosa, Ian Valdez, Allyn Bulanadi at RK Ilagan na siyang tutulong sa starters.

Pasok sa starting lineup ni Macaraya sina Calisaan, Ryan Costelo, Jerick Fabian, Alvin Capobres at Jayson David subalit handa itong palitan ng beteranong mentor habang gumugulong ang liga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with