Mayweather vs McGregor kasado na!
MANILA, Philippines -- Muling bumangon mula sa pagreretiro si Floyd Mayweather Jr. upang labanan si UFC star Conor McGregor sa isang kaabang-abang na boxing match sa Agosto.
“It’s official,” saad ni Mayweather sa Instagram video poster nilang dalawa ni McGregor.
“THE FIGHT IS ON,” pahayag naman ni McGregor sa kaniyang Twitter account na tila nang asar dahil larawan ng ama ni Mayweather ang isinama.
THE FIGHT IS ON. pic.twitter.com/KhW0u3jRft
— Conor McGregor (@TheNotoriousMMA) June 14, 2017
Itataya ni Mayweather ang kaniyang pangalan sa boksing na wala pang bahid ng pagkatalo, kaya naman 11-1 favorite siya ng mga oddmaker.
Sa T-Mobile arena sa Las Vegas Strip magtutuos ang dalawa sa Agosto 27.
Setyembre 2015 nang magretiro si Mayweather kasama ang kaniyang 49 wins na kartada matapos niyang pabagsakin si Andre Berto.
Kilabot naman ng octagon ring ang two-division champion McGregor na may 21-3 win-loss record.
“The impossible deal is now happening,” pahayag nubUFC chief Dana White sa ESPN.
- Latest