^

PSN Palaro

Pinay booters silver sa AFF U15

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas ang apat na sunod na pananalasa ng Team Philippines matapos makalasap ng 2-6 pagyukod sa Thailand sa Asean Football Federation (AFF) U15 Girls’ Championship noong Sabado ng gabi sa KM16 Stadium sa Vientiane, Laos.

Dahil sa kabiguan ay nakuntento na lamang ang mga Pinay booters sa silver medal.

Nakadikit ang Natio­nals sa 2-3 agwat sa pagsisimula ng second half bago kumamada ng tatlong sunod na goals ang mga Thais na duplikahin ang kanilang pag-angkin sa gold medal laban sa Pilipinas sa nakaraang AFF U-14 Regionals (1-0).

Sa kabila ng kabiguan ay ipinagmalaki pa rin ni head coach Marielle Benitez ang kanyang tropa.

Tanging ang mga Pinay ang nakaiskor ng goal laban sa mga Thais sa kabuuan ng kompetisyon.

Unang umiskor ang Thailand sa ika-12 minuto mula sa goal ni Ploychompoo bago nakatabla ang mga Pinay sa likod ng iskor ni Myria Garcia.

Sumagot ng dalawang goals ang mga Thais mula kina Ploychompoo (ika-22 minuto) at Trinity Parascandola (ika-30 minuto) para kunin ang 3-1 bentahe.

Ang puntos ni Viviana Cera ang muling naglapit sa koponan sa 2-3.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with