PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ramirez tiwalang magtatagumpay sa inilatag na 17 programa sa Phl Sports

Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez

MANILA, Philippines -  Magtatatag na ng Public Communications Office ang Philippine Sports Commission para mapalawak ang information system lalung-lalo na sa mga importanteng profiles ng mga atleta ng bansa.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na malaki ang kanyang tiwala na magta­gumpay sila sa inilahad na anim na misyon  at 17 programa bago matapos ang administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Kabilang sa anim na misyon ng bagong PSC ay ang pagtatatag ng Public Communications Office kung saan magkaroon sila ng research, data-banking system, information processing at business solutions na mas higit pa kaysa google at wikipedia.

“Our three-day Directional meeting was very critical for the past three months of our administration in the PSC. Now, at least we have a clearer direction for the next five years of this administration,” sabi  ni Ramirez sa gina­nap na press confe­rence kahapon sa College of St. Benilde Hotel sa Malate, Manila.

Ang ibang inilahad na programa ng government sports agency ay ang pagkaroon ng partnership sa sampung private corporations para masuportahan ang kanilang mga proyekto kagaya ng Philippine Sports Institute.

Samantala sinabi ni PSC commissioner Arnold Agustin na inaprubahan na ng Board of Commissioners ang pagbigay allowances sa mga atletang may kapansanan ng Philippine Paralympic Committee na sa ngayon ay nagsasanay din para sa ASEAN Paralympic Games na gaganapin sa Kuala Lumpur,  Malaysia sa Disyembre.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: