^

Punto Mo

Mag-ingat sa fake news ukol sa lindol

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SUNUD-SUNOD ang paglindol. Noong Sabado ay lumindol sa Luzon partikular sa Batangas at kahapon lumindol naman sa Northern Samar.

Dahil dito, maraming kinabahan at hindi mapakali dahil sa posibilidad na paglindol lalo na sa Metro Manila.

Maraming fake news ukol sa lindol sa social media kung saan ay may mga pananakot na posibleng kadugtong daw ng Batangas quake ang West Valley fault.

Dapat maging maingat ang publiko sa alinmang mga balita na lumalabas lalo na tungkol sa lindol at iba pang kalamidad.

Mas makakabuting agad suriin at alamin ang pinagkukunan ng balita tulad sa radyo at telebisyon.

Panahon naman upang seryosohin nang lahat ang isinasagawang earthquake drill.

Ito ay upang magkaroon ng  sapat na impormasyon ang bawat isa upang alam ang dapat na gawin at maiwasan ang pagpa panic sakaling maganap ang kinatatakutang “The Big One” dito sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Makabubuting sa bawat pamilya o kabahayan ay may pansariling earthquake drill upang mabawasan ang mas malubhang pinsala.

 

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with