^

PSN Showbiz

Sofia ayaw pang magpakita ng cleavage

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isa si Sofia Andres sa mga bida ng teleseryeng Pusong Ligaw na mapapanood na sa ABS-CBN simula April 24. Kasama ng aktres sa nasabing proyekto sina Beauty Gonzales, Enzo Pineda, Bianca King, at Diego Loyzaga.

Si Diego ang napababalitang kasintahan na diumano ni Sofia at ayon sa aktres ay walang katotohanan ang napababalitang bad influence daw ang aktor sa kanya. “Kada magkasama po kami at magkatrabaho, since mas matanda naman siya sa akin, sinasabihan niya ako sa mga bagay-bagay at nakakatulong naman siya,” paglilinaw ni Sofia.

Samantala, kabilang din ang aktres sa pelikulang Pwera Usog ng Regal Films. Masayang-masaya ang dalaga dahil nabibigyan siya ng kabi-kabilang proyekto. “Nagpapasalamat ako sa mga kumukuha sa akin bilang artista nila sa isang movie o sa teleserye. Though hinihintay ko pa rin po ‘yung time (na makapagbida). Patience lang po talaga at saka hard work sa bawat ginagawa sa teleserye, sa movie o kahit ano man. Ginagawa ko lang po talaga kung ano ‘yung hinihingi ng director ko na talagang nagtitiwala sa akin,” nakangiting pahayag ni Sofia.

Marami ang nagsasabi sa aktres na maaari siyang magpaseksi sa mga gagawing proyekto pero hindi pa raw nakahanda si Sofia para rito. “Siguro konti lang. Hindi po ‘yung masyadong revealing. Kahit shorts, okay lang po. Huwag naman kita na ‘yung cleavage. Kasi nakakailang pa po. Siguro mga five years pa po,” giit ng dalaga.

Erik at Miss Great Britain may komunikasyon pa rin

Kamakailan ay naugnay si Erik Santos kay Miss Universe Great Britain 2016 na si Jamie Lee Faulkner. Nagkakilala ang singer at beauty queen nang mag-guest pareho sa Umagang Kay Ganda ilang buwan na ang nakararaan.

“Naging friends kami. Parang feeling ko kasi nagustuhan niya ‘yung pag-serenade ko sa kanila, especially siya. Talagang feeling ko nagustuhan niya,” kwento ni Erik nang mag-guest sa Magandang Buhay noong Miyerkules.

Nagbigay ng mensahe ang beauty queen para sa singer sa nasabing programa. “Erik seems to be a lovely guy, not to mention, extremely talented. Erik and I communicate once in a while and if I were to visit the Philippines again, it would be nice to catch up over coffee,” mensahe ni Miss Great Britain.

“Sobra niyang bait. Ako kasi unang nag-direct message sa kanya sa Instagram. Sabi ko sa kanya, ‘It was nice meeting you,’ tapos nagka-message na kami until now. Once in a while kapag may time, kapag hindi busy, we’re friends. By the way I’m going to the UK this July. I hope to see you there. I hope to see you soon and I’m eager to know you more,” sagot naman ni Erik sa mensahe ng beauty queen.

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with