^

PSN Showbiz

Naanakan ni Marlon wala raw balak maghabol!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masayang ibinahagi sa amin ni Bacoor Mayor Lani Mercado na sa Lunes, April 3 ay ga-graduate ang mga drug surrenderees sa drug rehab program ng kanilang lalawigan.

 

Malaki ang pasasalamat ni Mayor Lani sa kanyang panganay na anak na si Bryan Revilla, dahil siya ang nangangasiwa sa spiritual na bahagi nang pag-training sa mga dating drug addict at pusher.

Ani Lani, “Si Bryan is helping me sa religious sector. He’s the COO of Alpha Philippines. Tinutulungan niya ako sa aspeto ng spiritual sa larangan ng 45-day community based rehab program namin.”

Nakikita raw niyang sobrang tutok ang kanyang anak sa ginagawa niyang paggabay sa mga dating drug addict para mabago ang kanilang buhay.

“Parehong inspiring, parehong nahihirapan, pero mas more siyang nai-inspire kasi nakikita niya ‘yung pagbabago from day one na ipinasok ‘yung mga drug personalities hanggang sa mag-graduate sila,” dagdag na pahayag ni Lani.

PAK: As of presstime, wala pang sagot si Marlon Stoc­kinger sa pag-amin ni Kit Barraquias na nagkaroon sila ng anak na kambal.

Sa aming pagkakaalam, matagal nang nililigawan ng media na magsalita ang naturang model pero tumanggi ito. Gusto na lang daw niyang manahimik, pero hindi niya ipinagkait na ipakita ang litrato ng kanyang kambal.

Ngayon lang siya nagsalita at pinaunlakan ang PEP.Ph para klaruhin na wala siyang hinahabol kay Marlon at sa pamilya nito para sa suporta sa kanilang mga anak.

Sinubukan naming hingan ng sagot si Marlon thru his manager Jonas Gaffud, pero ayon sa ta­lent manager at presidente ng Mercator, hindi pa raw niya nakakausap si Marlon at wala pa siyang ideya kung sasagutin pa ito.

BOOM: Tuluy na tuloy na ang TV special ni Kris Aquino na Trip ni Kris na mapapanood sa April 9 ng gabi, sa timeslot ng Sunday Night’s Box-office.

Nakatsikahan namin kahapon ang producer ng programang ito na si Rhodora Pascual Morales na mas kilalang si Tita Doray.

Malaki ang kumpiyansa ni Tita Doray na tatangkilikin ang travel special ni Kris kung saan unang mapi-feature ang lalawigan niyang Nueva Ecija.

Ani Tita Doray, “Tingin ko bankable pa rin talaga si Kris. Wala pa namang nakakakuha ng tatak niya eh, Queen of All Media.

“Kahit matagal nang wala siya on cam or wherever, basta nandiyan siya talagang nagtitilian ang mga tao at pinagkakaguluhan siya.”

Hindi raw iniisip ni Tita Doray kung gaano kalaki ang gagastusin niya sa production ng naturang pro­ject. Gusto lang daw talaga niyang ga­wan ng programa si Kris at tingin niya hindi lang minsanan. Tingin niya magiging regular ang Trip ni Kris kung maaayos niya sa network at ilan pang detalye.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with