PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Yap humataw sa 2 sunod na panalo ng RoS

James Yap

MANILA, Philippines -  Matapos ang nakadidismaya niyang unang komperensya para sa Rain or Shine, nagposte naman si James Yap ng mga a­verages na 19.0 points at 3.0 rebounds para sa 2-0 pa­nimula ng nagdedepensang kampeon sa 2017 PBA Commissioner's Cup.

Sa 113-105 panalo ng Elasto Painters laban kay Yeng Guiao at sa NLEX Road Masters noong Biyernes ay nagtapos si Yap na may 26 points na siya niyang pinakamalaking iniskor sa nakaraang tatlong taon.

Pinakinang ng 35-an­yos na shooting guard ang kanyang pagbibida mula sa isinalpak na limang three-point shots.

Matapos ito ay nagtala naman ang back-to-back PBA Most Valuable Player awardee ng 12 markers, tampok ang tatlong triples, para sa 99-95 overtime win ng Rain or Shine kontra sa Mahindra noong Linggo.

Dahil sa kanyang kaba­yanihan ay hinirang si Yap bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para ungusan sina Baser Amer at Chris Newsome ng Meralco.

“I felt last conference, his knee wasn’t that good pa, pero nu'ng offseason medyo maganda ang itinakbo niya sa practice,” sabi ni Elasto Painters' head coach Caloy Garcia sa 6-foot-2 na si Yap.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bilang paghahanda sa mid-season conference ay naging matiyaga sa ensayo ang Cebuano superstar.

“He comes early, shoots the ball, nagda-dunk pa sa practice to show he’s healthy,” litanya ni Garcia.

Muling sasandig ang Rain or Shine kay Yap at kay balik-import Shawn Taggart sa target nilang 3-0 record sa pagharap sa Blackwater sa Linggo sa Ynares Center sa Antipolo.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: