^

PSN Showbiz

Jed obvious ang excitement sa ginawa nila ni Darren

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Nakakatawa lang si Sinon Loresca aka Rogelia dahil sa kanyang mga catwalk video pero wala siyang  “knack for comedy”. Kailangang i-feed kay Sinon  ang mga sasabihin para matawa sa kanya ang televiewers.

Seen: Ang premiere kagabi sa social media ng teaser ng Luck at First Sight, ang Viva Films movie nina Jericho Rosales at Bela Padilla na ipalalabas sa mga sinehan sa March 22.

Scene: Fresh from the editing room ang trailer ng Northern Lights nang ipakita ito sa grand presscon ng pelikula nina Piolo Pascual at Yen Santos noong Miyerkules. Malapit sa puso ni Piolo ang Northern Lights dahil isa siya sa mga producer ng proyekto.

Seen: Halata ang kaligayahan at excitement sa mukha ni Jed Madela sa recording ng  bagong collaboration nila ni Darren Espanto, ang cover ng  I’ll Be There na pinasikat ng Jackson 5 at ni-revive ni Mariah Carey.

Scene: Ang pakikiramay sa pamilya ng mga naulila ni Angge Lee ng mga showbiz personality na nag-post sa social media ng matinding kalungkutan dahil sa pagpanaw ng talent manager na isang taon na nakaratay sa kama ng karamdaman pero hindi nila naalaala na dalawin.

Seen: Ipinagdiwang kahapon nina Danica Sotto at Marc Pingris ang kanilang 10th wedding anniversary. Humingi ng paumanhin si Marc kay Danica dahil sa mga pagkakamali niya sa buhay.

Scene: Maestra ang pamagat ng advocacy film na  project ng negosyante at broadcast journalist na si Dr. Carl Balita. Mga bida sa Maestra sina Gloria Sevillla, Paul Salas at Angeli Bayani.

vuukle comment

SINON LORESCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with