Pacquiao posibleng ikasa kay Crawford kung...
MANILA, Philippines – Kung hindi mangyayari ang rematch nina Manny Paquiao at ng retirado nang si Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon ay si Terence Crawford ang malamang na makaharap ng Senador.
Ito ay dahil hindi maaaring labanan ng Filipino world eight-division champion ang mga pipitsuging boksingero.
“If we don’t get a rematch with Mayweather and so forth, then that’s a fight we may need to take because we still want to be on top of the game,” sabi ni trainer Freddie Roach sa panayam ng BoxingScene.com. “We can’t just fight stiffs. We have to fight the best guys out there.”
Nakatakdang labanan ngayon ni Crawford si John Molina sa CenturyLink Center sa Omaha, Nebraska.
Dahil nabigo si Molina na makuha ang weight limit ay hindi na itataya ni Crawford ang kanyang mga hawak na WBC at WBO super lightweight titles.
Sakali namang talunin ni Molina si Crawford ay idedeklarang bakante ang dalawang korona.
Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.
Bukod kay Crawford, gusto ring ilaban ni Roach si Pacquiao kay Mexican superstar Canelo Alvarez, ang kasalukuyang IBF middleweight titlist.
Ito ay sa kabila ng magiging height disadvatage ng 5-foot-6 1/2 na si Pacquiao kontra sa 5-foot-9 na si Alvarez.
- Latest