^

Bansa

Walang ‘imminent threat’ sa MM - NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang �imminent threat� sa MM - NCRPO
Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde na hindi maiiwasan na may iba pang miyembro ng ASG na nasa Metro Manila pa makaraan na isang kumpirmadong miyembro ng bandidong grupo ang nadakip noong nakaraang Setyembre sa isang drug raid sa Brgy. Culiat, Quezon City.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines – Hindi ipinagsasawalang-bahala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang posibilidad ng presensya ng mga miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf (ASG) sa Metro Manila sa pinahigpit na “security plan” ngayong darating na Undas.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde na hindi maiiwasan na may iba pang miyembro ng ASG na nasa Metro Manila pa makaraan na isang kumpirmadong miyembro ng bandidong grupo ang nadakip noong nakaraang Setyembre sa isang drug raid sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Ngunit nilinaw ni Albayalde na wala pa silang natatanggap na “imminent threat” sa Metro Manila sa anumang uri ng pagsa­lakay ng mga teroristang grupo.  

Nilinaw rin ng opisyal na nakataas ang “full alert status” sa Kamaynilaan mula pa noong maganap ang pambobomba sa Davao City at itaas ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang “state of emergency due to lawless violence”.  Nangangahulugan ito na hanggang ngayon ay hindi pa pinapayagan ang mga tauhan ng pulisya na magbakasyon maliban na lamang kung may matibay na dahilan.

Nasa 7,000 tauhan ng NCRPO ang itatalaga naman sa iba’t ibang sementeryo sa Kamaynilaan ngayong Nobyembre 1 at 2. 

Maglalagay ng Police Assistance Desks sa mga pasukan ng mga semen­teryo habang magtatalaga rin ng “roving patrol” kasama ang mga barangay tanod sa mga malalaking sementeryo partikular na sa Manila North at South Cemetery.

Sinabi naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago na nasa 3,000 tauhan nila ang itatalaga rin sa apat na malalaking sementeryo: ang Manila North at South Cemetery, Loyola Memorial Park at Manila Memorial Park para tumulong sa publiko at agad na maglinis ng mga kalat.

Muling pinaalalahanan ni Albayalde ang publiko na magtutungo sa mga sementeryo na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng anumang mata­talim na bagay, mga inu­ming nakalalasing, baraha at iba pa. 

Dapat ring tiyakin ng mga magtutungo naman sa mga probinsya na nakakandado ang kanilang mga bahay at nakasara lahat ng tangke ng gas upang hindi manakawan at makaiwas sa sunog.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with