^

PSN Showbiz

Kaya consistent winner: Award na tatanggapin ng aktres, bayad na?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang laki ng pasasalamat ni Maja Salvador sa AMA Computer College dahil siya ang piniling endorser ng bagong school nilang AMA Online Education.

Matagal na raw niyang pangarap na makapagtapos at ang AMA Online na nga raw ang kasagutan. Eksaktong birthday gift daw ito sa kanya. Nagpa-enroll na si Maja sa AMA Online Education sa kursong Business Administration. Pursigido siyang tatapusin ito dahil kailangan niya ito sa ilang negosyong sinimulan niya.

PAK: Kamakalawa lang ginanap ang awarding ng QCinema International Film Festival pero hindi ito gaanong napansin. Hindi lang ako sure kung pa­ngalawa o pangatlong taon na ng QCinema. Kulang sa publicity at walang nag-i-effort na iparating sa media ang update sa naturang filmfest, pati ang resulta ng mga winner.

BOOM: Sa Linggo naman magaganap ang Star Awards for TV sa Novotel sa Cubao. May mga nariring na naman kaming gapangan ng mga gustong manalo.

Meron daw gumagastos para manalo tulad ng isang kilalang aktres. Meron ding isang aktres na madalas nananalo sa naturang award-giving body na sure na raw ang pagkapanalo o ‘di kaya ang anak niya dahil malapit sa isang opisyal ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Hindi na bago ang ganitong kalakaran at kahit marami nang kuwento ng anomalya sa naturang awarding ay wala namang nabago at meron pa ngang nagpu-produce at nakakakuha pa sila ng mga sponsor.

Pero tila keber na rin naman sa mga manonood kung sino ang winners ng Star Awards. Wala nang interes ang karamihan sa iba’t-ibang award-giving bo­dies.

Ang isang grupo ngang Enpress ay hindi na rin naglabas ng winners para sa Golden Award sa Movies at TV. Pero sabi ng kanilang presidente na si Jun Nardo, magkakaroon pa rin daw sila ng awarding at simpleng gathering na lang na maaaring gawin sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with